"Hindi ako papayag," nilingon ko siya at ngumiti ng pilit. "Hindi ako papayag ng gano'n gano'n lang. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan na ikaw nga ang gusto ko. Please, Chuanli." Nagsusumamong sambit ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya bagkos tumayo na ako at nilisan ang field. Umakyat ako sa rooftop at doon sumigaw ng mga hinanakit ko.
"Ahhh! Bakit kailangan pahirapan ako ng ganito? Naging kami na ng lalaking pinapangarap ko, nagkaroon ako ng boy best friend pero bakit kailangan kong mamili? Bakit hindi puwedeng dalawa na lang sila?" Dumausdos ako paupo sa sahig. Sinandal ko ang ulo sa tuhod at doon humagulgol ng husto.
"Ang malas ko naman. Nadagdagan nga ako ng kaibigan pero nawalan din naman. Ni-unfriend ako ni Elea, iniwan naman ako ni Xian. Lintian talaga."
Nawalan ako ng gana sa lahat. Pagkauwi sa bahay hindi na ako kumain. Deretso ako sa kwarto at doon nagmukmok. Hindi pa sana ako kakain ng hapunan pero pinilit ako ni mama, nakatanggap na naman ako ng palo sa kanya.
"Chuanli puwede ba kitang ayain lumabas?" Tanong ko kay Chuanli matapos namin kumain at magtungo sa salas.
"Ngayon?" Kunot noong tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Saan naman? Gabi na." Dagdag niya pa.
"Gusto ko lang makasama ka kaya sana pagbigyan mo ako. Pupunta lang naman tayo sa mamihan. Alas dose pa iyon nagsasara."
"Pupunta na naman tayo sa lugar kung saan mo dinala si Xian..." natigilan ako sa aniya. E ano naman? Bawal ba siya doon? "... may alam akong lugar. Maganda doon, gusto mo doon na lang tayo?"
Agad akong tumango at ngumiti. "Sige!"
Nagpaalam kami sa kanya-kanya naming parents. Hindi na sila umangal pa kahit gabi na, nasa tamang edad na raw kami upang malaman ang tama at mali. Kahit alam ko na medyo tutol si mama, knowing her mahirap siyang mapapayag. No choice na siguro siya dahil supportive ang parents ni Chuanli.
"Tingin mo matatanggap ako ng parents mo?" Out of nowhere na tanong ni Chuanli. Nangunot ang noo ko.
"Tanggap ka naman nila, a?" Sagot ko. Saglit niya akong nilingon at tumingin na ulit sa daan.
"Iba ang nakikita ko sa sinasabi mo. Siguro nagalit siya dahil akala niya kayo talaga ni Xian. Boto na siya, e, tapos peke lang pala." Sagot niya at pekeng tumawa. Napasandal ako sa upuan saka mariing pumikit.
"I'm sorry, kasalanan ko. Kung hindi sana ako nagsinungaling sa kanila hindi sila magagalit ngayon." Sambit ko sabay kagat sa labi upang pigilan ang tunog sa 'king pag-iyak, nagsimula na naman ang ulan.
"You don't need to be sorry, Kris. Kasalanan ko iyon, alam ko namang gusto mo na ako that time pero totorpe torpe pa rin ako." Natatawang aniya. Huminto ang aming sinasakyan, batid kong nakarating na kami sa destinasyon.
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nasa harap ko ang restaurant na makulay. Sa labas pa lamang, ang daraanan papasok ay mga payong na iba't ibang kulay. Tumingala ako at ngumiti, ang ganda!
"Oopps careful!" Buti na lamang nahawakan ako ni Chuanli sa baywang at likod. Muntik akong matumba dahil hindi ko napansin ang pataas na daan.
"Sorry," sagot ko at umayos ng tayo. Lumakad na lamang ako ng hindi na pinansin pa ulit ang paligid hanggang makaupo kami sa loob, 'ayoko nang makagawa na naman kasi ng katangahan. "Kakakain pa lang pala natin ano?" Tanong ko. Natampal ko ang aking noo. Bakit pa pala ako nag-ayang pumunta sa kainan? Another katangahan, aish!
"Order na lang tayo ng dessert. Masasarap ang pagkain dito." Aniya. Inabot niya sa 'kin ang menu. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang presyo.
"Ang mahal naman dito Chuanli." Pabulong kong sabi. Saan aabot ang 200 pesos ko dito? Sa coke? Letse!
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.