Introduction

1K 31 2
                                    

Hello! This is the medyo edited version of this story! I posted it here while hindi pa released and book so you can still read it in a better way, hindi na malalim masiyado ang tagalog kaya mas mae-enjoy niyo na siya!

Read it while it is still kasi kapag na-release na ang book, we need to unpublish it na. :(

I hope you'll like it!!! ❤

___

Déjà Vu

[Phenomena Series #1]

Introduction


Napatakip ako sa tainga ko nang pagkapasok namin sa loob ng bar, para akong nabingi sa lakas ng tugtog at mga hiyawan ng mga tao sa loob.

Habang naglalakad papunta sa puwestong naka-reserve para sa amin, napamura ako dahil sa sakit ng ulo ko sa sobrang lakas ng ingay, tugtog, at sa iba't ibang uri ng amoy na naaamoy ko ngayon.

"Argh, ang ingay . . ."

Nang makarating kami sa isang couch na kakasya sa aming apat, itinulak ako ni Aldrin sa couch. Tiningnan ko nang masama si Aldrin.

"Parang gago naman 'to, hindi pa tapos ang plates ko!" bulyaw ko sa kan'ya.

They all laughed. Hindi naman kasi talaga ako sasama dito dahil nga gumagawa pa ako ng plates. Buwisit lang kasi ng mga bobong 'to, hindi ba sila makakainom nang wala ako? Dala ko ba 'yung mga shot glass at alak?

"Smile ka na, pare. Eto naman, sa Friday pa naman deadline no'n, sabi mo?" sabi sa akin ni Jin. Nagbuga na lang ako ng malalim na buntonghininga, kasabay ng pagkunot lalo ng noo ko.

Sinalinan na ni Terrence ang mga shot glass ng Bacardi na in-order nila at saka ibinigay ang sa akin. Napailing na lang ako at kinuha 'yon. Itinaas nila ang mga shot glass habang ako, nakatingin lang sa kanila dahil mukha silang mga tanga.

"Para sa paggaling ng puso ni Connor," natatawang sabi ni Aldrin. "Cheers!"

Nagtatawanan silang tatlo habang nakikipag-cheers ng shot glass sa isa't isa. Hindi ko na sila pinansin at hinayaan na lang sa gusto nila. Ininom ko na lang ang shot ko at hindi na sila pinansin pa.

"Bakit nga kasi kayo naghiwalay?" tanong sa akin ni Jin.

Hindi pa ba nasasagot? Pitong beses na yata niyang tinatanong sa akin 'yan ngayon. Nilagyan ni Aldrin ang shot glass ko ng panibagong shot.

Nagkibit-balikat ako. "Dunno."

I drank my new shot. Hindi ko naman talaga alam at hindi ko na inalam. May napagkasunduan naman na kami noon ni Riza na kapag ayaw na ng isa, kailangan na naming maghiwalay.

Riza is really kind. She's a great woman. Hindi lang talaga siguro namin kaya maging masaya dahil ang dalang namin magkita.

"'Di nga, bakit?" tanong ni Terrence.

I shrugged. "Ayaw na namin pareho."

Ako ang unang umayaw. Hindi ko naman sinabi, pero siguro, naramdaman niya nang ayaw ko na kaya siya na mismo ang umalis.

Maybe she felt that I am not as excited as before to see her.

And maybe she felt that I am not as excited as before to have sex with her.

I don't want to hurt her, but we both know that we're not going to be hurt even if we broke up. Hindi naman kasi love-centered ang relas'yon namin. Well, we tried but we failed eventually.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon