Chapter 29

197 13 0
                                    

It feels like I was lost, knowing that Savannah doesn't have plans on coming back to me. Ang hirap . . . ang sakit. Ang daming dahilan para tumigil ako, pero hindi ko kaya. Gusto ko pa rin na ulitin ang lahat—ligawan ulit siya . . . pero hindi ko mapigilan 'yung sakit. Sa tuwing lalapit ako sa kan'ya, sumasaya ako, pero nalulungkot din sa tuwing maaalala na hindi na nga siya sa akin.

"Tama na muna," sabi ni Jin matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari nang gumabi. "Hayaan mo muna siyang malayo sa 'yo, at ganoon ka rin sa kan'ya. Baka gan'yan ang kailangan n'yo, pare?"

Sinalinan ko ang baso ko ng alak at mabilis 'yong ininom habang kitang-kita ko ang tatlong pares ng mga mata na nanonood sa akin.

"Ayoko," mabilis na sagot ko matapos ibaba ang baso.

"Tingnan mo nga 'yang itsura mo," iritadong sabi ni Terrence. "Gan'yan ka na lang? Magiging maayos panandalian, tapos babalik ka sa dati kapag nasaktan? Ayusin mo nga sarili mo, pare. Sa tingin mo, babalikan ka niya nang gan'yan ka?"

Napalunok ako sa sakit na naramdaman ko dahil sa narinig mula sa kan'ya.

"Hindi naman para sa amin 'to," dagdag ni Aldrin sa sinabi ni Terrence. "Magpapakalunod ka na naman sa alak tapos kinabukasan hindi ka makakapasok dahil sa matinding hangover? Tandaan mo, pare, fourth year na tayo. Mahirap bumagsak sa panahong 'to. Ayusin mo sarili mo, please lang."

Hindi na ako nagsalita pa matapos pakinggan ang mga sinabi nila. Inubos na lang namin ang alak na dala ko. Hindi ko na nagawa pang maligo dahil sa sobrang kalasingan. Diretso na kaagad akong nakatulog.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa lakas ng ulan. Mabilis akong naligo at nagbihis, tsaka nag-drive papunta sa bahay nila Savannah. Pagkarating ko ro'n, may nakita akong magandang sasakyan na naka-park sa labas. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sobrang kaba dahil doon.

I waited for the owner of that car to go out of Savannah's house. Alam kong lalabas din si Savannah dahil may pasok pa siya mamayang 9:00 AM. She'll never skip class, I know. So I waited. Wala na akong pakialam sa klase kong 9:00 AM din. Ang mahalaga sa akin, masagot ang tanong ko sa sarili kung sino ang may-ari ng magandang sasakyan na nandito.

Twenty minutes before 9:00 AM, Savannah went out of the gate holding an umbrella. Kasunod niya ang isang lalaking pakiramdam ko, nasa higit 40 years old na. Matapos nitong isarado ang gate, nakita ko ang mukha niya, lalong-lalo na ang mga mata. Mas lalo akong kinabahan nang dahil doon.

This is Savvy's dad, I'm sure. Hindi naman siguro siya sasama, 'di ba? She's not coming with him in his hometown, right? She hated him. She despised him. She's not going to leave this country just to come with him.

Nang makasakay silang dalawa sa sasakyan, ini-start ko na ang makina ng kotse ko at sinundan sila. Sinubukan kong 'wag ipahalata na hindi ko sila sinusundan pero alam ko na kanina pa lang, nakita na ni Savannah ang sasakyan ko.

I should've moved away.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa parking lot na kami ng university. Nag-park ako sa vacant spot. Napasandal ako at napabuntonghininga habang pinapanood ko ang sasakyan nila Savannah. Ilang sandali pa, lumabas na si Savannah dala ang payong niya kanina at ang bag. Nagmamadali akong lumabas para sana sundan siya pero sinalubong siya ng mga kaklase niyang kasama sa library kahapon. Pinanood ko na lang siyang maglakad paalis ng parking lot kasama ang mga kaibigan niya.

"Connor!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Grace na nakangiting naglalakad papalapit sa akin, suot ang denim dress at itim na sapatos.

"Your wish came true. Are you happy?" She chuckled. "It rained yesterday, and it will rain today all day, based on the weather forecast that I watched on TV."

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon