Chapter 09

212 17 3
                                    

Nang pinatay na ni Savannah ang tawag, tiningnan ko ang weather forecast sa cellphone ko para bukas. Nakita ko nga na may malaking chance ng pag-ulan mamaya bago mag-ala una nang madaling araw. Napangiti ako nang dahil doon.

I saw that it's almost only 9 PM. I finished some of my plates even though the deadline is still far from today. Pampalipas lang ng oras. Hindi ko alam kung bakit wala na akong ganang maglaro ngayon.

Nang mag-a-alas dose na, naligo na ako't nagbihis. Sinigurado ko pa sa sarili ko na maayos ang itsura ko—na guwapo ako kahit na alam kong hindi naman na 'yon maipagkakaila pa kahit wala akong gawing ayos sa sarili ko.

Nang makitang 12:20 AM na, lumabas na ako ng kuwarto dala ang susi ng sasakyan at cellphone. Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa loob pero masiyado pang maaga para umuwi silang lahat. Alas dos hanggang alas tres ang kadalasang uwi namin sa tuwing nagba-bar kami kaya imposibleng uuwi sila kaagad.

Mabuti na lang talaga at makakaalis ako nang mapayapa.

Nang makasakay sa elevator, at makababa sa underground parking lot, patakbo kong tinungo ang sasakyan ko bago pinatunog ang car alarm nito. Mabilis ako nag-drive papunta sa bahay nila Savvy. At dahil madaling-araw na, hindi gaanong traffic kaya naman wala pang 30 minutes, nakarating ako sa harap ng bahay niya.

Habang nasa loob ng sasakya, lumipat ako sa shotgun seat para mas makita siya nang mabuti. Sumilip ako sa gate niya. Nakita ko ang garden na bukas ang ilaw ng poste, habang nakaupo siya sa bench, nakapatong ang braso sa table nito habang ang kamay ay may hawak na cellphone. Nakapangalumbaba siya habang mukhang may binabasa.

Napangiti ako bago kinuha ang cellphone. Sinubukan ko siyang kuhanan ng picture mula sa loob ng sasakyan. Kung anu-ano pa ang ginawa ko para makakuha ng mas malinaw na litrato. Sa huli, nakakuha rin ako kaya lang naka-zoom at medyo pixelated dahil malayo nga siya sa akin.

Tiningnan ko 'yon nang mabuti. Maganda naman ang shot ko sa kan'ya. Para na akong baliw sa loob na natatawa nang mag-isa ngayong tinititigan ko ang picture niya sa screen ng cellphone ko. Isa pang parang baliw 'yung puso ko na parang nagmamadali sa pagtibok. Para akong tumakbo at nakipaghabulan.

Ilang minuto ko pa siyang pinanood hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nakita ko na lang ang mga patak ng tubig sa bintana ng sasakyan ko, kung saan ko siya pinanonood. Inilipat ko ang tingin ko sa kan'ya at nakita ko siyang nakatayo na, iniwan ang cellphone sa bench habang masayang naliligo sa papalakas nang ulan.

Kinuhanan ko pa siya nang kinuhanan ng litrato habang hindi mapakali ang labi ko sa pagngiti at pagngisi sa tuwa dahil ang sarap niyang panoorin ngayon.

Ang saya niya. Mas maganda siya kapag masaya siya.

Hanggang sa lumabas na rin ako ng sasakyan at tuluyan nang lumapit sa gate. Hindi ko na kayang maghintay pa roon at panoorin lang siya sa malayo.

Gusto ko siyang makasamang maglaro sa ulan . . . sa ganitong oras na malamig ang simoy ng hangin at maging ang tubig na bumabagsak mula sa kalangitan.

Nakita ko siyang tumingin sa akin at lalong ngumiti nang makita ako ngayon. Tumakbo siya papalapit sa akin at pinagbuksan ako ng gate.

"Bakit nagpunta ka pa?" tanong niya nang makapasok na ako sa loob, pareho na kaming basa.

Ngayon ko lang napansin ang suot niyang may manipis na strap top na kulay brown at ang short niyang sobrang ikli na kulay itim. Napaiwas ako ng tingin bago sumagot.

"Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko? Sabi ko noong nakaraan, gusto kitang kasama sa unang pagpatak ng ulan sa August."

Tumawa siya bago kami naglakad papunta sa garden kung nasaan siya kanina. "Akala ko nagbibiro ka lang noon."

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon