Chapter 07

251 17 0
                                    

"That's too ideal . . ."

Bahagya siyang tumawa bago tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. She took her coffee from the center table. She sipped on it before looking at me.

"I don't think that I'm going to believe that."

Bahagya akong nakaramdam ng kaba, kasabay ng pag-awang ng bibig ko. Bakit hindi siya maniniwala? Akala ba niya, niloloko ko lang siya?

"Bakit naman? Hindi ba kapani-paniwala?" tanong ko nang nakakunot ang noo.

Tumawa siya nang bahagya. "Bakit naman ako maniniwala kaagad sa mga magagandang salitang naririnig ko? Have you ever heard of too good to be true things mostly are brought by impulsive feelings? You may mean it now, pero paano kung nakapag-isip ka na nang mabuti? Magagawa mo pa rin ba 'yan sa akin?"

Napalunok ako.

Impusive feelings? Bakit naman niya nasabi 'yon? Isang buwan na kaming magkakilala at isang buwan ko na rin ipinaparamdam sa kan'ya na . . . totoong gusto ko siya . . . na siya ang taong maganda at kagusto-gusto, sa kabila ng sinabi ko sa kan'ya noon na hindi lahat ng maganda, kagusto-gusto.

Mukha ba akong . . . pabigla-bigla?

"Bakit naman hindi ko magagawa?" Hindi siya kaagad sumagot. She started drinking her coffee. "Sa tingin mo ba . . . pabigla-bigla ako?"

Ibinaba niya ang baso sa kandungan niya bago lumingon sa akin. Muntik ko nang iiwas ang tingin ko nang makita ang marka ng kape sa gilid ng labi niya.

"Hindi mo pa nga nasabi sa akin nang direkta kung ano talaga ang nararamdaman mo."

Hindi pa?

Hindi pa ba?

Akala ko, nasabi ko na! Tangina, Connor! Natural na hindi maniniwala 'yan sa 'yo dahil kahit na puro ka gawa, hindi mo naman nililinaw sa kan'ya kung ano talaga ang intens'yon mo! Kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kan'ya!

Argh, damn!

"H-Hindi pa ba?"

Napaiwas ako ng tingin bago uminom ng kape sa tasa. Tumingin ako sa kan'ya at nakita ko ang mga ngiti niya na para bang gusto niya akong pagtawanan.

Fuck you, Connor Lopez! Nakakahiya ka!

"Sasabihin ko ngayon—"

"Huwag," pagpigil niya sa akin kasabay ng pagtawa nang bahagya. "Huwag na muna. Huwag ngayon."

Bakit?

Hindi na ba siya maniniwala sa akin kung ngayon ko sasabihin? Pero totoo naman na gusto ko siya. Hindi ko naman gagawin ang lahat ng mga nagawa ko nitong nagdaang buwan kung wala lang 'to . . . kung hindi ko talaga siya gusto.

At hindi rin ako nabibigla. Alam ko kung anong nararamdaman ko.

"Hindi naman impulse lang 'yon."

Umiling siya. "Next time na. Gusto kong siguruhin mo na muna ang nararamdaman mo bago mo sabihin sa akin. Hindi naman ako nagmamadali. Mas gusto kong sigurado kaysa sa minadali at hindi pinag-isipan."

She smiled before taking a sip on her coffee. I took my coffee from the center table and finish it. After that, I put the mug back on it.

"Pero tungkol doon sa sinabi mo . . ."

Tumingin siya sa akin bago ibinaba ang tasa mula sa bibig, tsaka pinunasan ng kamay ang labi. Napalunok ako nang makita ang pamumula ng labi niya.

Tang ina naman, Connor. Labi pa rin! Iba na ang pinag-uusapan n'yo, labi niya pa rin ang kumukuha ng atens'yon mo!

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon