Chapter 27

183 13 0
                                    

"Pare, tara, alis," rinig kong pag-aya sa akin ni Terrence sa k'warto ko. "Bar daw, birthday ng tropa ni Jin sa UST!"

"Kayo na lang."

It's been a month since Savvy broke up with me. I tried getting her back, courting her everyday, hoping that what she said was just an impulsive decision. But she never came back. Parang hindi niya nga ako nakikita kapag magkakasalubong kami sa campus.

"Tama na mukmok, pare. Lungkot na kami," sabi ni Terrence bago naupo sa gilid ng kama ko. "Ayusin mo 'yung sarili mo. Exam week na sa susunod na linggo. Baka bumagsak ka."

Hindi ako sumagot, dahil alam kong papunta na nga ro'n ang kapalaran ko sa college. Siguradong magagalit si Mama pero wala naman din siyang magagawa para sa akin. Kung ako nga, hindi matulungan sarili ko.

Ang hirap lang na wala si Savannah.

"Pare, tama na. Ipakita mo kay Savvy na deserve mo 'yung second chance hindi 'yung gan'yang sinisira mo buhay mo dahil lang wala na siya sa 'yo."

Napabuntonghininga ako bago bumangon at sumandal sa headrest ng kama ko. "Kasalanan ko naman, 'di ba? Kasalanan ko naman kasi, totoo naman sinabi niya. Siya 'yung sinasabi kong mahal ko, pero hindi pa rin nawawala sa isip ko si Grace."

I looked at Terrence who's now looking guilty over something.

"Sensiya na pare, baka nasaktan ka sa sinabi ko noon, pero gano'n kasi ang nakikita namin sa 'yo."

I laughed. "Okay lang, tanga. Naiintindihan ko. Inaako ko lahat ng pagkakamali, kasi alam kong ako naman talaga 'yung mali. Inintindi niya lahat ng ginawa ko . . . lahat ng reaks'yon ko kapag tungkol na kay Grace ang usapan." I sighed. "Ang hirap din kasing pigilan."

Tumingin lang sa akin si Terrence na parang may gustong itanong. I raised an eyebrow, asking him what he wants to say. He sighed before talking.

"Nag-usap na ba ulit kayo ni Grace?"

I smiled a little before looking away. "Hindi pa. Huli na 'yung dinala ko siya sa clinic. Umiiwas siya sa akin, alam ko. Sigurado akong nasaktan siya sa sinabi ko."

Tumango-tango si Terrence sa paliwanag ko.

"Grace used to be approachable and friendly. You know that," I said. Terrence listened carefully. "But with what happened for the past years, she became detached to the people around her. And just that moment, I realized that it's me that she can only trust in this new university she's in." I sighed again for the nth time. "And I doubt her for that. I didn't give her the assurance that I can be trusted in this cruel world. I deprived her of someone she can truly trust."

Tumango-tango siya matapos marinig ang lahat ng 'yon. Naramdaman kong muli ang pagsikip ng dibdib ko dahil naalalang wala na sa akin si Savannah.

"Kausapin mo, pare. Hindi ko na aalamin kung anong nangyari kay Grace sa nagdaang mga taon kasi kung pwede mong sabihin, eh 'di sana sinabi mo na, 'di ba?" Tumawa siya matapos sabihin 'yon. "Pero kausapin mo na. Sorry noon, nag-alala lang talaga ako kay Savannah kasi kilala kita."

Tumango ako bago nakipag-fist bump sa kan'ya. "Salamat."

Nang mga sumunod na araw, sinubukan kong ibalik ang sarili ko sa pag-aaral at paggawa ng plates. Ang dami kong requirements na hinabol dahil may mga absent ako. Sigurado akong babagsak ako ngayong midterm, pero sana mabawi ko sa finals.

Tang ina, kahit ito lang, maipakita ko kay Savannah nadeserve ko siya. Kasi gagawin ko talaga lahat, bumalik lang siya. Gagawin ko lahat, makita niya lang na sobrang mahal ko siya.

Natapos na ang midterm exam week. Sobrang nahirapan ako dahil may mga part ng lessons do'n na hindi ko naman napasukan noon. At kahit na pinahiram ako ng mga kaklase ko ng notes, hindi ko naman gaanong naintindihan dahil wala naman ako noong itinuro ng prof.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon