Chapter 04

306 22 8
                                    


Kung hindi siguro tumatatak sa isip ko ang bawat salita ng boses niyang ang sarap sa pandinig, baka isipin kong busted na kaagad ako kay Savannah matapos niyang sabihing hindi siya kumportable sa akin.

Pero kung hindi siya kumportableng totoo, bakit sinabi niya 'yon nang may magandang ngiti sa mga labi niya, hindi ba?

Nakalabas na ako ng sasakyan niya at papasok na ako sa lobby nang mapagtanto ko ang lahat ng 'yon. Mula sa lobby, bumalik ako sa kung nasaan si Savannah. Hinabol ko ang sasakyan niyang papalayo na sa building ng condo. Kinatok ko ang bintana ng driver's seat, dahilan para tumigil siya sa pagmamaneho at ibinaba ang bintana.

"May naiwan ka ba?" tanong niya sa akin.

Humihingal akong ngumiti bago nagsalita. "Hindi rin ako kumportableng kasama ka."

Tumawa siya bago iniabot ang cellphone sa akin. "P'wede ba tayong magpalitan ng number? Para maging kumportable na tayo sa isa't-isa."

Tumawa ako, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayong kausap ko siya habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at iniabot sa kan'ya bago kinuha sa kamay niya ang cellphone niya.

T-in-ype ko ang number ko at nakita kong ganoon din siya. Nang matapos i-save sa pangalan ko, iniabot ko na pabalik ang cellphone sa kan'ya. Nakita kong inuulit-ulit niya pa ang pagbigkas sa number niya na parang sinisiguradong hindi siya mali, bago ibinalik sa akin ang cellphone nang may ngiti sa labi.

"Uhm, text ka kung . . . nakauwi ka na," kinakabahang sabi ko. "Sa susunod, ako naman ang magdi-drive."

Tumawa siya. Pakiramdam ko, sasabog na naman ako sa kaba . . . sa kakaibang mga pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.

"May next time pa . . ." tumango-tango siya nang nakangiti matapos 'yon sabihin.

Bahagya akong ngumiti at tumango. "Maraming . . . maraming . . . next time."

Ngumiti siya at kumaway bago itinaas na ang bintana. Kumaway ako sa kan'ya hanggang sa tuluyan na siyang nag-drive paalis.

Nang tuluyan na siyang nakaalis, bumalik na ako sa loob ng building at sumakay ng elevator papunta sa floor ng unit namin. Nang makarating, pumasok na ako sa loob ng unit. Naabutan ko si Jin na natutulog sa couch, mukhang lasing na lasing. Si Aldrin at Terrence, hindi ko alam.

Bahala sila.

Pumasok ako sa k'warto at kinuha ang towel para maligo sa common bathroom sa ibaba. Mabilis lang din 'yon dahil iniisip ko na baka mag-text si Savannah kapag nakauwi na siya. Pakiramdam ko, makakauwi kaagad siya dahil hindi naman traffic kapag ganitong oras.

Nang matapos, nadaanan ko si Jin na nakadapa na ngayon sa sahig pero tulog pa rin. Hindi ko na siya pinansin pa at bumalik na lang sa k'warto. Hindi ko ugaling matulog nang may damit, maliban sa boxers, kaya naman dumiretso na ako ng higa pagkakuha ng cellphone sa side table.

Ilang minuto kong tinitigan ang cellphone ko, baka sakaling umilaw at mag-text siya. Pero ilang minuto na, wala pa kaya ibinaba ko na ang kamay ko. Nang ipikit ko ang mga mata ko, mukha niya kaagad ang nakita ko.

Nasampal ko ang noo ko sa kawirduhan ko ngayon, dahil, para saan ba ang lahat ng nararamdaman ko ngayon? Alam kong hindi malabong gusto ko siya, pero hindi naman ako ganitong magkagusto sa mga nakaraang babae sa buhay ko.

Mabilis akong napabalikwas nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa kamay ko. Nakita ko ang text niya ro'n.

Savvy:

I'm home. Thank you so much for tonight. I really enjoyed it with you. :)

Savvy ang pangalang ini-save niya. Siguro, 'yonang nakagawiang nickname niya, pero mas gusto ko ang pangalan niya kaya namanpinalitan ko 'yon bago ko siya ni-reply-an.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon