Chapter 19

184 13 1
                                    



I wanted to follow her to the unit but I know that there's no use. I need a break from all these haunted pasts I have. Baka hindi ko rin maayos ang tampo sa akin ni Savannah kung pipilitin ko.

Nang maubos ko ang ikatlong stick ko simula nang umalis si Savannah, bumalik na ako sa unit. Nandoon pa rin ang mga damit na nagkalat sa living room, at hindi ako sigurado kung kaninong mga damit 'yon at kung kaninong babae naman 'yung nandito ngayon, base sa mga damit na nagkalat. Hindi ko na lang din pinansin pa at dumiretso na sa k'warto.

Nakita ko si Savannah doon na natutulog at nakatalikod sa gawi ko. Nakahinga ako nang maluwag nang dahil doon. Ibig sabihin, hindi siya masiyadong galit o nagtatampo sa akin dahil hindi siya umalis. Hindi niya ako iniwan.

Lumapit ako sa higaan at nahiga sa tabi niya, tsaka siya niyakap. I felt her stiffened. I buried my face on her nape and hugged her tighter.

"I love you, Sav. I'm sorry . . ."

I felt her hand held mine. And so, we went back to sleep.

***

We spent the whole summer vacation by going on a road trip until the sun rises again. It was one of the best things I love doing with Savannah. Midnight rendezvous became a pretty big thing to me, especially that it was her that I am with.

She sighed after drinking the beer from the can she's holding.

"Malapit na naman ang enrol-an."

Nakahiga kami ngayon sa hood ng kotse ko habang nasa Tagaytay, para hintaying muli ang pagsikat ng araw, bago kami tumulak pauwi sa sari-sarili naming bahay. It became a tradition to us, that every weekend, we'll be spending our nights like this, waiting until the sun kisses its sky again.

I pulled her closer to me. "Bitin ba, babe?" I laughed. "Okay lang 'yan, we can go on a roadtrip like this even after all our busy scheds."

She scoffed. "Magshi-shift nga ako sa Interior Designing kaya mas magiging busy ako. Marami akong hahabulin."

Napanguso ako sa sinabi niya, kasabay ng pagtitig sa madilim na langit na may mga bituin. Oo nga pala, nakapag-desisyon na siya ro'n. Sayang 'yung ilang taon ng inaral at inilaan niya sa Multimedia Arts, pero may punto rin naman siya.

"Are you really sure about that?" I asked.

She nodded before taking a sip on her beer in can. "Yup. Sure na."

I sighed. "Okay, then. I'll wait for you until you graduate, then we'll make our family of our own."

She chuckled before facing me to claim my lips. I smiled before pulling her head back to kiss her more, thoroughly this time. I pulled her closer so she can be on top of me, as I put all of her dancing hair through the wind on her back.

Seconds later, she broke the kiss. I cupped her face and planted a kiss on her nose.

"Malapit na sumikat ang araw," she said with a genuine smile on her face. "New start for all the people who failed yesterday, and continuation for all the people who are on their journey of life."

I caressed her cheek. "Tulad natin?"

"Tulad natin." She chuckled.

I laughed. "Magkasama naman tayo sa journey. Always. Hindi maghihiwalay."

She smiled. "Hinding-hindi."

Bumalik na siya sa pagkakahiga niya sa tabi ko at hinintay na lumiwanag ang kalangitan. Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. Nakita ko na diretso lang ang tingin niya sa langit.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon