Chapter 03

373 25 5
                                    


Napainom ako sa sarili kong kape at nakaramdam ng ginhawa sa lamig nito at sa sarap. Matapos uminom, tumingin ako sa kan'ya at sumagot sa sinabi niya.

"Hindi ko naman sinabing gusto ko ang mga mata mo . . ."

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko 'to. Totoo bang ayaw ko ng mga mata niya o sinabi ko lang 'to dahil ayaw kong masama sa mga taong kinaaayawan niya?

She laughed. "Kasasabi mo lang na maganda ang mga mata ko."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero ibinalik ko rin kaagad sa kan'ya. I saw, once again, her dark blue eyes because of the lights that strikes her face. She smiled when she saw that I'm staring at her. O gulped as my heart started beating wild again.

The fuck is happening to me?

"Hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto."

I saw her mouth parted slightly with what I said. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. She laughed louder, making the other people inside the coffee shop to look at us.

"Alam mo, sa 'yo ko lang narinig 'yan!" she said, laughing. "Nakakatawa kapag sa lalaki nanggaling, pero sobrang totoo naman!"

Napangiti na lang ako habang tinitingnan ko siya na tumawa nang tumawa sa harap ko. Hindi ko maintindihan kung ano 'yong nakakatawa sa sinabi ko, pero natutuwa ako ngayong panoorin siyang masaya na tumatawa sa harap ko.

Damn, she's captivating . . .

Halos nakapikit man ang mga mata sa pagtawa at hindi man makita ang pagka-blue ng mga mata niya, sobrang ganda niya pa rin.

Pero hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto, hindi ba?

"Okay," kumalma na siya sa pagtawa at umayos na ng upo. "Salamat. Pinatawa mo ako nang sobra pero huwag kang mao-offend kasi nakakatuwa lang na narinig ko 'yon sa lalaking tulad mo. Sobrang totoo lang kasi talaga."

Ngumiti siya bago kinuha ang kape sa lamesa at uminom dito.

"Lalaking tulad ko?"

Ngumisi siya habang umiinom sa straw, bago ibinaba 'yon sa lamesa.

"Secret."

"Tss," bahagya akong tumawa bago ininom na rin ang kape.

"Pero paano mo ba malalaman kung kagusto-gusto ang isang tao?" tanong niya.

Paano?

Paano nga ba? Tanong ko rin sa sarili ko 'yon. Paano ba malalaman na kagusto-gusto ang isang tao, kung sinabi kong hindi lahat ng maganda ay kagusto-gusto?

Tangina kasi, kung anu-ano sinasabi para lang hindi ayawan ng babae, eh! Tss.

Napaawang nang bahagya ang bibig ko nang hindi ko malaman kung ano ang mga dapat kong sabihin. It's like I'm lost for words. Damn, I've never been this nervous before! Fuck it, Connor.

Bahagya siyang ngumiti. "Hindi mo masagot, 'no? Kasi wala namang dahilan para magustuhan mo ang tao. Bigla mo na lang nararamdaman. Biglang mag-iiba na lang ang pakiramdam mo. Kapag gusto mo na ang isang tao, biglang hindi ka na kumportable pero sa magandang paraan."

Ngumiti siya bago humigop sa kape niya, nananatili ang tingin sa akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko. I slightly looked away and cleared my throat, before looking at her again.

"Kapag ba may dahilan, hindi na totoo 'yung pagkagusto?" tanong ko.

Ibinaba niya ang iniinom sa lamesa. Paubos na rin ang kape niya, tulad ng sa akin. Humalukipkip siya at sumandal sa kinauupuan. Napatitig ako sa labi niyang nabasa na ngayon ng iniinom niya. Muli akong napalunok sa kaba na naramdaman.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon