Chapter 24

187 12 0
                                    

The school started already and for some reasons, I am so nervous.

"Ano?" tanong sa akin ni Terrence nang tumingin ako sa kan'ya. Umiling ako, dahilan ng pag-ismid niya. "Tigil-tigilan mo ako, ah? Naiinis pa rin ako sa 'yo, pare."

I sighed before laughing as I put my arms on his shoulder. "Wala nga. Bati na tayo pare, 'wag ka nang magalit."

He rolled his eyes at me before removing my arms on his shoulder. "Ayusin mo sarili mo. Halatang ninenerbyos ka. Bakit ka ba ninenerbyos? Dahil pwede kayong magkita ni Grace?"

Hindi ako nakasagot dahil kahit ako, nagtataka rin dahil ninenerbyos ako ngayon habang naglalakad kami papasok sa campus. Gusto ko sanang sunduin si Savannah para sabay na kaming pumasok, kaso mamaya pa ang first class niya at ako naman ay may klase ng 7:30 AM.

"Wala naman nga."

Umiiling si Terrence na nauna nang umalis. Wala rin si Aldrin dahil mamaya pa ang klase niya kaya naman nauna na kaming umalis ng condo ni Terrence. Napabuntonghininga na lang ako bago pumunta sa building ng department namin para sa klase ngayon.

Tulad ng inaasahan ko, hindi naman dumating ang professor sa unang klase. Mabuti na lang, nag-text na si Savannah.

Savannah:

Papunta na ako ng school. :)

Me:

Okay, then. Hintayin kita sa parking lot, babe.

Savannah:

Huwag na! Sige na, mag-drive na ako.

Me:

Walang professor ngayon. I'll go. :)

Hindi na siya nag-reply pa pero nakita ko na binasa niya ang text ko, kaya naman inisip ko na lang na pumayag na siya. Tumayo na ako dala ang gamit ko at lumabas ng room dahil sinabihan naman na kaming pwede nang umalis at wala ngang darating na professor.

Mabilis kong tinakbo ang parking lot mula sabuilding ng department namin. Nang dahil na rin sa sakit sa balat ng sikat ngaraw kaya mas nagmadali pa ako sa pagpunta ro'n nang makasilong na. Ilang sandalilang din, nakarating na ako ro'n, kaya nag-text ako kay Savannah kahit na alamkong nagdi-drive siya.

Me:

I'm here. ♥

Naghintay ako sa kan'ya ro'n nang tahimik habang pinanonood na isa-isang dumating at umalis ang mga sasakyan sa parking lot. Ilang sandali pa, isang itim na kotse ang huminto malapit sa pinag-park-an ko ng kotse ko. Hindi ko na sana papansinin 'yon nang makita ko na lumabas mula ro'n si Grace, suot ang isang dress na kulay puti na pinatungan ng denim na jacket, hindi nakakabit ang mga butones sa harap.

Ngumiti siya nang makita akong nakatingin sa kan'ya, dahilan para makaramdam ako ng kung anong kaba sa puso ko. Napahakbang ako paatras nang makita na maglakad siya papalapit sa akin, suot ang isang itim at mataas na sandals.

"Hi, Connor. Good morning," nakangiting bati niya sa akin. "Waiting for someone?"

I nodded hesitantly. "Savannah."

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin pero nananatili ang magandang ngiti sa labi. She still has the same elegance; she has an overflowing one, and I can't deny that. I no longer feel the same feelings but she's still beautiful . . . very beautiful.

"I see that you've found your better half now, Lopez." She smiled again with pursed lips. "I'm happy for you."

After she said that, I heard the footsteps of her stilettos away from me, and I know that I am stopping myself from breathing as I watched her walked away from me.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon