Chapter 05

271 16 0
                                    

"Tara na, pare."

Napalingon ako kay Aldrin at Terrence na nasa labas ng room namin, mukhang hinintay ako. Kinuha ko ang cellphone ko.

"Hindi ako sasabay."

Tiningnan ako nang masama ni Terrence.

"Tang ina, hindi sinabi!"

Tumawa lang nang tumawa si Aldrin bago ako sinakal pabiro gamit ang braso niya habang kinukutusan ang ulo ko.

"Tang ina mo talaga!"

Nagtatawanan silang dalawa bago umalis sa building. Tinawagan ko na si Savannah na mabilis niyang sinagot.

"Tapos na ang klase mo?" tanong ko habang bumababa sa hagdan.

Tumawa siya at nagpaalam sa mga kaklase, base sa narinig ko sa kabilang linya, bago siya sumagot sa akin.

"Oo, katatapos lang."

"O, sige. Papunta na ako," sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.

"Huwag na! Sa parking lot na lang, magsasayang ka pa ng oras, one hour lang ang lunch break ko." Bahagya siyang tumawa. "Sige na, papunta na ako."

"Hmm, sige."

Pinatay na niya ang tawag.

Lakad-takbo ang ginawa ko nang sa gano'n, mauna ako sa kan'ya sa parking lot. Pagkarating ko sa sasakyan ko, wala pa siya. Ilang minuto lang akong naghintay dahil nakita ko siyang naglalakad papunta sa akin, nakangiti, bahagyang sumasayaw ang buhok sa hangin.

Parang kumirot pa ang puso ko sa ganda ng mukha niya ngayong sikat na ng araw ang nagbibigay liwanag sa aming dalawa. Sobrang ganda niya . . . sobrang ganda ng mga ngiti niya. Para siyang isang anghel na lumalakad sa akin, inaaya ako sa paraiso niya.

She's like an angel, walking to me, convincing me to come with her to her paradise.

"Saan tayo kakain?" tanong niya nang nakangiti.

Ngumiti ako at pinatunog ang car alarm bago siya pinagbuksan sa shotgun seat.

"D'yan lang."

Nagpasalamat siya sa pagbubukas ko ng pintuan bago pumasok doon at naupo. Nang maisarado ko na ang pintuan, mabilis akong umikot at sumakay sa driver's seat. Nang makasakay, nakita ko ang ngiti niya sa akin.

"Bakit lalabas pa tayo?" tanong niya nang i-start ko ang engine.

Nagsimula na akong magmaneho palayo. "Gusto ko lang."

Tumawa siya. "Sana pala binigay ko sa 'yo ang schedule ko, para alam mo kung kailan mahaba ang oras ko."

Lumingon ako sa kan'ya. "P'wede rin naman. Pero p'wede naman kitang ihatid pauwi sa unit mo mamaya kung mabitin ako ngayon."

Bahagya siyang tumawa. "Naku, huwag na. I have my car with me."

"Eh 'di bukas." She laughed. "At sa susunod pang mga bukas."

"Hmm . . . mukhang makakatipid ako ng gasolina, ah?" sumulyap ako sa kan'ya habang nagmamaneho. Ngumiti siya. "Sa 'yo na ba ako palagi sasabay?"

"Susunduin at ihahatid pa kita."

"Talaga?" She laughed.

Bahagya akong tumawa at tumango sa kan'ya.

Nang makarating kami sa malapit na restaurant na pinag-reserve-an ko kanina, nag-park na kaagad ako sa parking lot at mabilis siyang pinagbuksan. Muli siyang nagpasalamat sa akin tsaka sabay na pumasok sa loob. Inihatid kami ng receptionist sa reserved table na para sa aming dalawa. Pagkatapos, dinaluhan kami ng waiter para kuhanin ang order.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon