Chapter 26

188 13 1
                                    


Nang maihiga na sa vacant bed si Grace, kinausap ako ng nurse na pwede na raw akong umalis at pumasok na ako sa klase ko dahil siya na raw ang bahala na mag-abiso sa prof niya na hindi ito makakapasok.

Wala sa sarili akong umalis ng clinic at naglakad pabalik ng building namin, iniisip pa rin ang lahat ng sinabi ni Grace. Alam ko naman. Expected ko naman 'yung rason niya, pero nang marinig mula mismo sa bibig niya . . . para akong nanghina. Para akong itinapon pabalik sa mga araw na sinasaktan niya ang sarili niya sa harap ko.

Bago ako makapasok sa room, nag-vibrate angcellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa ko at nakita na nag-text si Savannah.Binasa ko kaagad 'yon.

Savannah:

Are you alright?

Why is she asking me this? I sighed beforetyping a reply.

Me:

Oo naman. Bakit?

Savannah:

I'm just asking.

Savannah:

I love you.

I sighed in relief with her last text. Reading these words from her gives me enough energy to go on today.

Me:

Mahal na mahal kita.

Nang mai-send ang reply ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng room, kasunod ay ang professor namin. Ilang sandali lang din ay nag-ring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.

Sa kalagitnaan ng pagdi-discuss ng professor at pag-check sa plates namin ay hindi pa rin naaalis sa isip ko ang nangyari at narinig kanina kay Grace.

Gising na kaya siya? Sana maabutan ko siya bagoako umuwi. Gusto ko lang naman siyang kumustahin. Gusto ko lang malaman kungmaayos na siya.

Savannah:

My class is done.

Me:

I'm on my way.

Savannah:

Okay.

Papunta na ako sa clinic nang makasalubong ko si Savannah sa pathway. Nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan.

"Oh, bakit nagpunta ka pa?" tanong ko bago lumapit sa kan'ya.

"On the way na rin naman ako, pumunta na ako sa 'yo."

Tumango bago umakbay sa kan'ya at sabay na kaming naglakad paalis. "Uhm, pwede ba tayong dumaan sa clinic?" I asked as I looked at her.

"Okay." She smiled at me.

Napalunok ako bago ko hinawakan ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin, tsaka nilakad ang daan papunta sa clinic. Nang makapasok ako ro'n, napatingin pa ako kay Savvy pero nakangiti lang siya habang inililibot ang tingin sa loob ng clinic.

Aayain ko na sana siyang lumabas ng clinic para bukas na lang kumustahin si Grace nang tawagin ako ng nurse.

"Hijo, umalis na si Grace kanina nang magising siya. Pinapasabi niyang ayos lang daw siya kung sakali man na puntahan mo siya. At maraming salamat daw sa pagdala mo sa kan'ya sa clinic," sabi ng nurse sa akin.

Napatingin ako kay Savannah at nakita na nakatingin siya sa ibang lugar habang ang mga labi ay nakangiti lang. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon