Chapter 08

212 16 0
                                    

"Almacen!"

"Pass," mabilis na sagot ko bago sila iniwanan sa living room.

Naramdaman kong may bumato sa akin ng throw pillow, kasabay ng sunud-sunod na mura mula sa tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagkulong na sa kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at binuksan ang cellphone. Naka-receive ako ng text kay Terrence kahit na nasa living room lang naman siya.

Ter:

Tang ina mo, ma-busted ka sana!

Natatawa akong nag-type ng reply sa kaniya.

Me:

Next time na lang par. Labyu.

Idi-dial ko na sana ang number ni Savannah nang si Jin naman ang mag-text sa akin.

Jin:

Pinagpalit mo na kaagad kami! Hindi mo na kami mahal!

Natawa ulit akobago nag-reply sa kan'ya.

Me:

Salamat sa paghanap kay Savvy :D

Jin:

Tigilan mo ako, tang ina mo hindi tayo bati ngayon!

Me:

Next time sama ko siya sige

Nag-vibrate ulit ang cellphone. Akala ko ay si Jin na ang nag-text. Si Aldrin naman ngayon.

Al:

Ikaw maglalaba ng damit namin bukas :)

Tumatawa akong nag-reply ng emoji na middle finger sa kan'ya bago tuluyan nang tinawagan si Savannah. Kanina pa sana ako tatawag pero na-delay na nang na-delay sa dami ng text ng mga kaibigan ko na akala mo naman, ang lalayo sa akin.

"Hi."

Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Isang linggo na ang nakakaraan no'ng unang beses na nakapasok ako ng bahay niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan lahat ng nalaman ko sa kan'ya . . . at lahat ng 'yon, nagustuhan ko.

"Hello. Kumain ka na ng dinner?"

"Oo, katatapos lang." She chuckled. "Ikaw?"

Napangiti ulit ako. "Oo, tapos na rin. Aalis kasi sila kaya kumain na kami ng dinner."

"Sila? Hindi ka sasama?" tanong niya.

"Hindi na. Bar lang naman 'yon."

"Ahh, bakit hindi ka sasama?"

"Wala ka naman." I chuckled. "Mas gusto pa kitang kausap kaysa magpakalasing doon."

She laughed. "Tss. Okay lang naman! Wala namang kaso sa akin. Hindi mo naman ako girlfriend."

Lalo akong napangiti sa sinabi niyang 'yon. Hindi girlfriend . . .

"Hindi pa."

Tumawa siya sa sinabi ko. "Paano mo naman nasabi na hindi pa? Baka hindi talaga."

Instead of getting offended, natawa na lang ako dahil alam kong inaasar niya lang ako.

"Bakit? Wala ba akong pag-asa?"

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang itsura niya na nakahiga habang nakatapat ang hawak na cellphone sa tainga, at ang mga labing nagpipigil ng ngiti at tawa.

"Nanliligaw ka ba?"

Naipikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagngiti ko at pagtibok nang mabilis ng puso ko.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon