Chapter 06

264 19 0
                                    


Tulad ng sinabi ko, sinundo ko siya kinabukasan sa bahay niya. Ang inaasahan ko ngang bahay niya ay condo unit na katulad ng sa amin ng mga kaibigan ko, pero hindi. Two-storey house siya na mayroong malawak na garden.

Mas lalo akong naging interesado, dahil kadalasan ng mga nakikilala ko, sa isang condo unit nakatira o sa isang apartment, pero siya, hindi. Alam mong bahay 'yon na ginawa ayon sa kagustuhan isang tao.

Halos isang buwan na ang nakalipas nang magsimula kaming maging malapit sa isa't-isa, at sa bawat araw na nararamdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin, para akong paulit-ulit na nahuhulog . . . nalulunod.

"Malapit na ang rainy season," masayang sabi niya habang nakaupo sa shotgun seat.

Katatapos lang naming kumain ng hapunan sa isang restaurant at ngayon, ihahatid ko na siya pauwi sa bahay niya. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapasok sa loob no'n, pero wala naman 'yon kaso sa akin dahil natural naman 'yon. Kahit naman siya, hindi pa nakakapasok sa unit ko. Baka lang pag-trip-an siya ng mga kaibigan ko kapag dinala ko siya ro'n kaya sa susunod na lang.

"Bakit? May ano ba sa August?" tanong ko bago tumingin sa kan'ya. She smiled beautifully while looking outside the car. "Gusto mo ba ang rainy season?"

Tumingin siya sa akin at bahagyang tumawa. "I love rain," itinuon ko na ulit ang tingin ko sa daan at nakinig sa mga sasabihin pa niya. "I love the sound of the pouring rain. I love the smell of the rain. The smell of the street right before and after it rains always makes me feel so relaxed."

Napangiti ako nang maramdaman ang saya at excitement sa boses niya habang sinasabi niya 'yon. Sumulyap ulit ako at nakita ko ang saya sa mukha niya. Hindi nakawala sa paningin ko ang labi niyang nakakurba—ipinapakita ang saya sa puso niya.

"Bakit? Anong mayro'n sa ulan?"

Nakita ko ang pagkibit niya ng balikat bago ko muling itinuon ang atens'yon sa daan.

"Hindi mo ba napapansin? Kapag umuulan, mas nagkakaroon ka ng oras na manatili sa bahay at makasama nang matagal ang pamilya mo. Kapag umuulan, mas nagiging kumportable tayo . . . mas mahimbing ang tulog. Kapag umuulan, nae-enjoy natin ang mainit na kape. Kapag umuulan . . . mas nakakapag-isip tayo ng mga bagay-bagay." Bahagya siyang tumawa. "Kapag umuulan, mas nagiging productive ang isip ko sa arts."

Tumango ako bago huminto sa harap ng bahay niya. Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti.

"Gusto kong kasama ka sa unang pagpatak ng ulan ng August."

Tumawa siya. "Akala ko, agua de mayo. Agua de agosto pala ang gusto mo."

Natawa na rin ako sa sinabi niya. "Kung nakilala lang kita nang mas maaga, p'wede namang 'yan ang hilingin ko," tumawa siya, dahilan ng pagdoble ng bilis ng tibok ng puso ko. "Masiyadong matagal kung hihintayin ko ang May."

Ngumiti siya at tinanggal na ang seatbelt. Tumingin ako sa labas ng sasakyan para tingnan ang bahay niyang madilim. Tumingin pa ako sa ibang parte ng lugar para masigurado kong maayos lang siya kahit mag-isa.

Nakagawian ko na 'yon. Simula nang malaman kong mag-isa siya sa bahay, palagi na lang akong nag-aalala sa kan'ya. Pero dahil nasa tahimik naman siyang lugar, kahit papaano, nakakalma ako.

"Tara sa loob. Uh . . ." She looked away. "Magkape ka na muna."

Mabilis akong napalingon sa kan'ya sa pag-anyaya niya sa akin. Mukhang nagtaka pa siya sa biglaan kong paglingon—nagsisi tuloy ako kasi baka akala niya, ayaw ko.

"Bakit?" Matatawa niyang tanong. "Okay lang naman kung ayaw—"

Sabi ko na nga ba.

"Okay lang," pagputol ko sa kan'ya bago tinanggal na rin ang seatbelt. "Nagulat lang ako na inaya mo ako ngayon."

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon