Chapter 22

189 13 2
                                    



Terrence looked very offended after hearing the story that I told them tonight.

"Tang ina naman, bakit ka gan'yan? Si Savannah na 'yong girlfriend mo!" bulyaw niya sa akin.

Terrence might be a real dork but he can be really scary when angry, tulad ngayon. Sinalinan ko ng alak ang baso ko bago ininom 'yon nang diretso.

"Wala naman akong ginawa," sagot ko.

Wala naman talaga akong ginawa. I just watched Grace walked away from us after introducing herself to Savannah. Tinapos namin ni Savannah ang pag-e-enroll niya hanggang sa nag-aya na siyang umuwi dahil pagod na siya.

The exhaustion is evident in her face so I believed her. After all, we did so many things in the university and I, myself, felt so tired.

"Wala ka ngang ginawa, pare," Aldrin said, calmly. "'Yon na nga. Normally, nasa bahay ka pa ni Savannah ngayon. Tang ina, 8:30 pa lang nang gabi. Ang normal na uwi mo, alas onse. Minsan nga doon ka na natutulog, 'di ba? May problema talaga. Hindi mo na pwedeng ikaila 'yon."

Napabuntonghininga ako bago isinandal ang likod sa couch habang lahat kami, nakaupo sa sahig ng living room.

"Hindi ko na alam."

"Bakit hindi mo na agad alam? Parang dati lang ang yabang mong magkwento sa amin na nagpa-plano na kayo para sa future n'yo ni Sav, tapos ngayon, gan'yan na?" iritang tanong ni Jin.

Napailing na lang ako. "Bakit ba kayo galit na galit ngayon sa akin? Parang hindi kayo nambababae, ah?"

"Hindi naman 'yun ang punto rito!" bulyaw ni Terrence. "Pare, seryoso na kayo ni Savannah. Hindi naman tama na gan'yan. Niligawan mo 'yung tao tapos noong dumating si Grace, nagkakagan'yan ka na?"

"Wala naman na kasi 'yong kay Grace—"

"Oh, eh bakit ka umiinom ngayon?" tanong ni Jin na parang obvious na obvious na ang sagot sa tanong niya. "Hindi ka iinom nang ganito kaaga kung wala lang si Grace."

Nagbuntonghininga si Aldrin. "Ano ba kasing naramdaman mo noong makita mo ulit si Grace?"

Hindi ako nakasagot. Sa sobrang dami ng naramdaman ko, hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Halo-halo ang pakiramdam nang makita ko ulit ang mukha niyang 'yon na minsang pinagpantasyahan ng mga lalaki, pero sa huli, ako ang pinagbigyang magmahal nang malaya.

Seeing her for the first time after years, the first thing that crossed my mind was to run to her and hug her tight. I know for the fact that I loved Savannah but I can't stop myself from thinking that I really did miss her . . . so much.

I wanted to ask how she is, and I wanted to tell her how happy I am to know that she's alive after thinking several times that she's not anymore.

Mahal na mahal ko si Savannah, pero hindi ko kayang balewalain 'yung mga pinagdaanan ko kasama si Grace. Gusto ko lang naman siyang kumustahin, at kung bakit nawala siya na parang bula.

Nagpagamot ba siya? Kung ganoon, saan? Bakit hindi niya ako sinabihan?

"Marami."

"Miss mo?" Jin asked. I nodded. "Tang ina, ang fucked up, bro."

Umiling ako. "It's not. Can we normalize missing the people in our lives without the romance thing because we didn't see them for so many years?"

Terrence scoffed. "Ex mo 'yon. Anong iisipin namin? At isa pa, sa isang taon na karelas'yon mo si Riza, alam naming lahat dito na si Grace pa rin ang mahal mo."

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon