Chapter 02

380 21 1
                                    


Kinuha niya ang bote ng Tequila sa akin at siya na ang nagsalin ng alak sa mga baso naming dalawa. Para pa rin akong na-hypnotize sa tingin ng mga mata niya. Ngayon naiintindihan ko na.

Nagiging dark blue ang mga mata niya kapag natatamaan ng liwanag o ng kahit na anong ilaw.

Enchanted ba ang tawag sa ganitong pakiramdam? Ang hiwaga lang. Gusto ko pang tumawa nang makagawa ng joke sa sarili ko. Napakanta pa ako ng I was enchanted to meet you . . . ni Taylor Swift.

Putek, ang corny!

Iniusog niya ang baso sa akin at nakipag-cheers. Nang ngumiti siya, napalunok ako bago kinuha ang baso at nakipag-cheers sa kan'ya. Sabay naming ininom 'yon.

"May . . . gusto ka raw pag-usapan? Sabi ng kaibigan mo . . ."

Nang marinig ko ang boses niya sa kabila ng ingay ng mga tao sa lugar, para akong ibinalik sa gabing 'yon, na siya ang kasama ko. Pakiramdam ko, palaging may kakaiba kapag siya ang kasama ko.

Argh, the fuck is this? Ano na naman ba 'yan?!

Ibinaba ko ang baso matapos kong mainom ang laman at nag-iwas ng tingin sa kan'ya.

"Wala."

Hindi ko na nakita ang reaks'yon niya sa sinabi ko dahil itinuon ko na lang ang atens'yon ko sa pagsalin ng alak sa baso naming dalawa. Isa pang bumabagabag sa isip ko, bakit ganito ang tibok ng puso ko? Hindi normal 'to; ito ang unang beses na nagkaganito ako sa isang babaeng hindi ko naman talaga kilala.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak 'to o dahil may kakaiba akong kaba na nararamdaman ngayon kasama siya.

"Medyo masungit ka, 'no?"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya bago inilapag ang bote sa lamesa. Tumingin ako sa kan'ya at nakita ko ang bahagyang ngiti niya bago ininom ang alak na isinalin ko sa baso niya.

"Uh, hindi . . ."

Nag-iwas ulit ako ng tingin bago ininom ang laman ng baso ko. Para pinagpapawisan nang malamig ang batok at noo ko. Fuck it, Connor! Dahil lang sa mata, ninenerbyos ka na?

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa sa kabila ng ingay ng lugar.

"Oh, sige. Kung wala naman tayong pag-uusapan—" mabilis akong napatingin sa kan'ya at nakita kong para na siyang naghahanda sa pag-alis. "Aalis na—"

"Ano, sandali . . ."

Teka, bakit ko siya pinigilan? Ayaw ko naman nang ipaalam pa sa kan'ya ang problema ko ngayon at wala naman siyang kinalaman dito! Bakit ko pinigilan? At bakit lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa titig niya sa akin ngayong pinigilan ko siya?

Her forehead creased before she chuckled. Napalunok ako sa ganda ng labi niya. Parang mas nalasing pa ako sa tawa niya kaysa sa alak na ininom ko magmula kanina. Normal pa ba 'to?

Saan ba ako tinatamaan—sa alak o sa tunog ng tawa niya? Fuck.

"Ano?" tanong niya kasabay ng bahagyang pagtawa.

I smiled a little so that she'll realize that I am not really the way she saw me as. Hindi ko rin alam bakit ganito ako ngayon sa kan'ya. Hindi ako kumportable. Ito ang unang beses na hindi ako kumportable sa isang babae.

And . . . why though, Connor?

"Ano, inom tayo . . ." napaiwas ako ng tingin nang tumawa ulit siya nang mahina. "Hindi kita lalasingin, huwag kang mag-alala."

Kinuha niya ang bote sa lamesa at sinalinan ang mga baso namin. "Hindi mo ako malalasing nang basta basta, kaya, sige. Mag-inuman tayo."

Bahagya akong napangiti nang maramdaman ko na kumportable naman pala siyang tao. Ako lang itong kung anu-ano ang nararamdaman ngayon at naiisip, nang dahil sa gabi na nagdala ng kung anong hiwaga o kakaibang pakiramdam ngayon sa pagkatao ko.

Déjà Vu [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon