Idadaan na Lamang sa Tula

77 4 0
                                    

Ang hindi ko masabi sa salita
Sapagkat ako'y nagugulumihanan
Pwede bang idaan ko na lamang sa tula
Nang maipahayag ko ito ng may kalinawagan

Maaari ba akong magsimula sa simula
Ngunit ang hiling ko lang ay ang iyong pakinig
Kaya kahit ikaw ay magambala
Ako'y sa iyo ay nagsumikap iparating

Ikaw ay nagtataka, marahil
Sapagkat ako sa tuwina ay makulit
Malamang rindi ka na sa akin, dahil
Kung minsan ay hindi ka na namamanseen

Ngunit naisip mo ba kung kailan at paano
Na ang atensyon ko sayo ay nabaling
Sapagkat ako'y humanga sa iyong talino
At katahimikan mo ang siya kong ugali rin

Kagalingan mo sa historya at matematika
Ang aking lubos na hinangaan
Kasipagan mo sa tungkulin at pagiging mananampalataya
Ay aking namang tinularan

At simula nang tayo'y nag-usap
Ang aking isipan ay iyong sinakop
Hindi ko inakala sa bangin ako ay nahulog
Matinik at masakit dahil walang sumahod

Alam ko naman na masakit
Dahil ako'y binalalaan na
Pero ako ay pilit nagpumilit
Sa iyo ay patuloy pang humanga

Hindi ko alam kung paghanga lang ba ito
Ngunit ayoko namang sabihing ito'y pagmamahal
Dahil nagkaroon ako ng iba't ibang gusto
Sapagkat ilang buwan mo akong hinarangan

At ngayon lamang uli nagkausap
Mahirap at gusto kong pigilan
Hangga't maaga pa ang aking nararamdaman
Kaya iyong tuparin ang aking pakiusap


My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon