Sa una ikaw'y hindi napapansin
Para kang isang bulaklak
Na walang paru-paro na sumisipsip
At sa ihip ng hangin na sayo'y tumangay
Tumama ka sa akin
Kaya ako'y lubhang nasaktan
Para ka ring ibon na lumilipad
Na biglang dadapo sa 'king mga palad
Ikaw ay isang sinag ng araw
Na bigla bigla na lang akong gigisingin
Ikaw ay mga patak ng ulan
Na ako ay paiinisin
Para kang patak ng tubig
Nasa akin ay nagbibigay galak
Sabay ng patak ng ulan at init ng araw
Ikaw ay dumating sa aking buhay
Malaya na sana sa sakit
Kung ikaw ay di na lang sana pinansin
At kung bakit pa kasi sa iyo'y napalapit?
Hindi na sana nakadarama ng pait
Hanggang saan ako kakapit?
Hanggang kailan ako magtitiis?
Hanggang saan ako bibitiw?
Hanggang kailan ako magnanais?
