Bangin

78 4 0
                                    

Bangin

Ito'y malalim at nakakatakot
Gusto kong lumayo at baka mahulog
Pagkat may mga pako't
Tinik saka bubog

Sabi nila ang mahulog daw dito ay masakit
Ngunit bakit tila hindi ako naalarma
Puso ko'y tumalon at ako'y pumikit
Pumikit sa hapdi ng sakit

Dugo mula sa puso ko ay dumanak
Itong bangin kasing ito ay pahamak
Hindi ko akalaing dadanak
Mga paghihinagpis at pagkapalpak

Sinubukan ko naman tumayo
Nakahanap nga ako ng tao
Taong sasaklolo
Ngunit pati sila ay manloloko

Akala ko ako ay ililigtas
Yun pala kukunin lang ang kamay ko
At ibabagsak uli ako
Na mas masakit kaysa noong una

At ngayon wala na talagang tumutulong
Dito sa banging ito ay ako ay nakulong
Forever na ba ako rito gugulong
Wala bang chance na ako ay sumulong?

Bangin- sana hindi ako natukso sayo
Sapagkat napakaganda mo sa malayo
Parang napakaperpekto mo
Akala ko hindi mo ako sasaktan

Sinalo mo nga ako ngunit sa masakit na paraan
Sinalo mo ako sa tinik ng iyong pamamagitan
Ng sakit na walang humpay
Kaya sana ako ngayon ay makaahon sa sarili kong mga kamay




My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon