Huling Hulog Sa Bangin

40 3 0
                                    

Huling Hulog Sa Bangin

Pumapatak na naman ang ulan
Makikitang bilog na bilog ang buwan
Sa isip ko lang ba makakamtan
Na makawala sa banging kinasasadlakan?

Mahigpit na kumakapit sa batuhang matulis
Kinakaya ko pa ring magtiis
Ako na minsan ay nalihis
Nahulog sa bangin na mabangis

Ito na ang huling hulog sa bangin
Dahil habang nagtatagis ako ng ngipin
Iniaangat ko ang kaliwang kamay sa hangin
Nagbabakasakaling ako na baka sagipin

Nakapagtataka ba kung bakit ako nahulog?
Ang ganda kasi ng bangin kahit may bubog
Tila nakalimutan na ang katawan ko'y mabubugbog
Kaya sa iglap ako'y nahulog at puso'y kumalabog

Gumigising na nga ang araw
Pag-asa ko'y nag-uumapaw
Sinag ng araw ay hindi nakakasilaw
Kahit sa kamay ko'y walang umagaw

Huling hulog sa bangin sa puso ko'y nag-uumapaw
Dahil hindi pa huli ang lahat para umayaw
Ang mga kamay ko'y unti-unting gumagalaw
Nang maakyat, puso ko'y hindi magkamayaw

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon