Salamat
Para sa aking mga tapat na kaibigan
Na laging nandyan upang ako ay damayan
Anuman ang kalagayan ng aking buhay
Nasa tabi ko parati upang dumamaySa lahat ng oras, laging naaalala
Ang pag-ibig niyo't walang sawang pagkalinga
Na kung minsan ay hindi ko na magantihan
Sapagkat minsan ako'y walang kakayahanSa lahat ng oras na inyo ngang ginugol
Sa lakas na inyo namang ipinamalas
Walang sawang pag-unawa sa isa't isa
Ipinababatid aking pasasalamatO, Aking ginamit ang pagiging makata
Upang maghandog sa inyo ng isang tula
At maipamalas ko ang aking ligaya
Kahit 'di man ito kasing husay ng ibaDahil ang pag-ibig ko ay naririto na
Kusa ko nang sa inyo ay inihandog na
Upang baunin ninyo sa habang buhay pa
At ang ating pagtitiwala ay lakip paSa pananampalataya ay magtumibay
Huwag na huwag tayong papayag na mahiwalay
Sa tungkulin ay lagi tayong magsumikap
Upang kamtin natin ang ating kahalalan
![](https://img.wattpad.com/cover/221378724-288-k477288.jpg)