Pag-ibig sa Sarili
Hindi masamang ako'y tumingin sa salamin
Pagmasdan ang aking sarili at kilatisin
Ano ang kailangang baguhin at tanggapin?
Panahon naman para sarili ko'y mahalinTumayo nang tuwid at iniayos ang tindig
Lumakad nang walang iniisip na ligalig
Aking tatanggalin sa lalamunan ang tinik
Na s'yang pumipigil sa'kin upang ako'y marinigNa marinig ng mga tao ang aking tinig
Sa kilos ko manggagaling ang aking himagsik
Pagkatao ko'y di nagmula sa kanilang bibig
Ako ang magdidikta ng aking adhikainNaubos ang mga panahon sa paghahabol
Umasa ako na mayroong pagkakataon
Nag-aksaya ako ng mga tula at pagod
Sawa na akong paulit-ulit na mahulogKaya sarili ko naman ay pahahalagahan
Pagkat hindi dahilan ang lalaking kawalan
Na hindi ako mahal at pinahalagahan
Upang ako ay matulala sa kalawakanHayaan na lang ang masasakit na salita
Na sa bibig ng nasa paligid ay nagmula
Hindi naman sila-sa buhay ko-mahalaga
Ako pa rin ay lalong magiging masayaHindi na ako mahahapis at malulugmok
Sapagkat hindi tamang sagot ang pagmumukmok
Upang alalahanin ang mga taong bulok
Malaya na ako sa mga itim na usokMakapal na usok na kumukulong noon sakin
Nakalulungkot at mahapdi; yumayakap din
Ang natatangi ko lamang hiling at hangarin
Maging malaya alam kong masasaktan pa rinMuli mang masaktan ay tuloy pa rin ang buhay
Hindi mababawasan ang aking pag-ibig na tunay
Maaari pang ilaan sa karapatdapat
Sapagkat sa Diyos ako ay naging matapatAlam ng Ama ang sa aki'y ikabubuti
Nasaktan sa una pero hindi na sa huli
Iingatan ko ang aking sarili't ang aking kahalalan
Lalo pang magiging matibay at matatagAt habang tahimik akong naghihintay
Magpapatuloy ako sa pagbabagong buhay
Tatalikuran na ang masasamang inasal
Sa gawain ng Diyos magpapakabanal