Pagtakas (Bangin Part 2)

38 3 0
                                    

Pagtakas (Bangin Part 2)

Ako ay nagpupumilit na umiwas
Dito sa bangin ako ay tatakas
Na gamit ang natitirang lakas
Hindi na mananatili pang wagas

Ano pang silbi ng aking pagtitiis
Kung hindi ako malilihis
Sa sakit na sadyang kay hapis
Na walang tigil at mintis?

Kasi sino ba naman ako para manatili
Sa mga tinik na hindi ako kinakandili
Alam ko hindi dapat ipilit ang sarili
Sa bangin na may apoy na sumisindi

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon