Tula Pereseo (Para Sa Iyo)
Ito na naman ako nagpapanseen sayo
Kahit sinabi ko na, na, "wala na akong gusto"
Pero hayaan mo na ako
Dahil minsan lang naman ito
At dahil kaarawan mo
Nais kong mag-effort pereseo
Kilala mo yon?
Si "Kudos" simple lang parang ikaw
Simpleng gwapo, tahimik pero hindi misteryoso
Di rin mayaman at kapwa Civil Engineering ang kurso niyo
Nasa wattpad yan, ikaw naman nasa bulacan
Parehas din kayong MALAYO
Si kudos, malayong magkatotoo
Ikaw naman malayong totoo
Pero kung tatanungin kung sino mas gusto ko
Syempre si Kudos
Siya kasi kahit 'di totoo, nakakaaliw
Ikaw kasi nakakabaliw (joke)
Pasensya ka na di ako magaling sa pagpapantig
Kung ano lang nasa isip ko, yun lang ang aking isinasatinig
Di rin ako malalim mag-isip
Mga talinhaga ko'y madaling masilip
Para sa akin, napansin kita
Noong nang-asar ka
Doon sa bahay nina Sophia
Nabwisit sa iyong mga salita
Parang ayaw mo na ako ay makaupo
Sinabihan pang "napakabagal mo"
Nainis ako sayo, tumatak ka sa isip ko
Ni hindi na nga ako nakaimik n'on sayo
Yung panahon nag-iingles kami nina Ka Steve
Alam mo kasi ang lahat sakin "big deal"
Kaya nung insulto mo ang aking ingles
Labis na ako sa iyo ay nainis
Pero alam mo naman siguro noon
Na si KG ang sobrang gusto ko
Oo, yun ay si Ka Karlo
Na sa kanya ay gumawa ng diary, ng ganoon
Subalit simula nang makasama kita sa binhi
Napagtanto kong matalino ka
At ako nama'y humanga sa iyo
Nawala ang galit ko at nagtanong sa iyo
Isang linggo wala si KG
Tapos mas nakikita pa kita
"Nagswitch" ang feelings ko sayo realquick
Siguro paghanga lang naman
Pero nalungkot pa rin ako
Nang malamang aalis kayo
Ayoko pa naman sa lahat
Yung iniiwan ng mga "kaibigan"
Dahil napalapit na kayo sa buhay ko
Nakasama sa masasayang ala-ala ng binhi
Mahirap makahanap ng hihigit sa inyo
Pero kailangan makausad dahil people come and go
Nagbigay ako ng souvenir sa inyo
Pero hindi lang naman ikaw, lahat naman kayo
Kaya walang malisya yon
Di ko lang yata nabigyan ay si Nico
Kaya iyon "nag-aalinlangang" chinat kita
At tinanong kung nasa iyo na ba
Nagpasalamat ka pa nga
At ako naman ay tuwang tuwa
Hindi ako mahilig magchat
Ikaw lang din kinukulit ko noon
Kung seener ka, seener din daw ako
Pero ayoko talaga sa seener, eh
Feeling ko balewala ako
Pero kulit ko kasi eh
Patuloy ka pa ding kinausap
At nagpatulong pa sa math
Ni hindi nga ako nakapagpasalamat
At naiinis pa pag di napapagbigyan
Kaya ngayon ako'y nagpapasalamat
At patawad sa pagiging makulit
Ngayon nga'y (malaki ka na djk) naisip kong lumayo
Aaminin ko humahanga pa rin ako sayo
Pero distansya o ambulansya
At ayaw kong madisgrasya
Pero sa iba napunta
Nahulog din sa iba
Sa taga-sanlibutan pang bakla
Kaya ngayong di mo ko gusto at di na kita gusto
Pwede bang ikaw'y maging kaibigan?
Kasi ako'y gulong gulo
Sapagkat ako'y bata pa
Madami pang gusto
Puro nga mga gwapo
Oo, marami akong gusto
Minsan mga matatalino, madalas puro gwapo
Ang layo na ng tula ko...
Maligayang kaarawan sa iyo
Sana bawasan mo na pagiging masungit mo
Mas maging malusog ka pa
At mas maging mas lalong masigla sa loob ng Iglesia
