Harang
Ngumingiti kahit na masakit
Puso ko man ay malamig
Nakilala mo akong masayahin
Ipinapakita ang lahat sa akinHindi ako nag-aayos ng aking anyo
Lahat lahat sa akin ay totoo
Kapag malungkot ay malungkot
Kapag masaya ay masayang lubosKapag nasasaktan ay lumalayo
Hindi pinipilit ang sarili sayo
Ngunit pinipilit kong
Malimutan ang nararamdaman sayoPinipilit kang huwag sumagi sa isipan
Dahil ikaw ay isang kaibigan
Kaibigan na hindi dapat magustuhan
Patawad dahil ikaw ay natipuhanAko na nga ang nagsabi
Huwag na huwag lalabag sa batas namin
Subalit ikaw lang ang nasabihan
At hindi ang aking sariliNalimutang paalalahanang kaibigan lang
Kapag kaibigan ay dapat may harang
May harang sa pagitan nyong huwag magkagustuhan
Ngunit nakalimutan kong lagyan ng harangHarang na kung di nalimutan
Hindi sana ngayon nasasaktan
Kasi kahit ikaw ay layuan
Ako pa rin ay nahihirapanNahihirapang kalimutan ang nararamdaman
Nagpapatuloy kahit may ibang hinahangaan
Sumisidhi kahit kaibigan ka lang naman
Ayaw tumigil at hindi mapipigilan