Hindi Laging Kailangan

142 3 0
                                    

Nasaan na ba ang saysay ng pag-ibig
Na lagi ng mga taong bukambibig
'Yon na lang ba talaga ang mahalaga
Na sa paningin nila pagwala kang sinta
Ay talaga namang ika'y kaaawaan
'Di ba nila alam na di naman kailangan

Akala kasi nila, d'on ka lang sasaya
Pero di ba nila alam na mas malungkot
Kung susubok ka sa pag-ibig na baluktot
Na wala rin namang sapat na katiyakan
Lingid sa kanilang mumunting kaalaman
Mas masaya pa ang mag-isa kaysa may kasama

Kapag mag-isa ay t'yak ang katahimikan
At wala ka pang maririnig na sumbatan
Sa mga taong puno ng kasamaan
Kapag mag-isa ka ay may kapayapaan
Dahil magagawa mo ang lahat ng naisin
Na makabubuti sayo't sayong paligid

Di katumbas ng mag-isa ang kalungkutan
At ni ang katahimikan sa kalumbayan
May mga sandaling di natin kailangan Mga salitang makapagpapagulo lang
Dahil lahat ng ito'y walang kabuluhan
Sa katahimikan tiyak may kasiyahan

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon