Nais kong magpayo ng hindi nanghuhusga
Hindi naman ako marunong magpayo pa
Pero aking susubukan tingnan ang lahat ng punto de vista
Para tama ang aking pagpapasiya
Na sana ay mabuti ang resulta
Hindi man kita lubos na kilala
Pero alam kong galit mo'y mawawala
Nais kong intindihin mo din sila
Huwag kang magtatanim ng galit
Ni ang magngingitngit
Pagkat wala kang mapapala
Puso mo ay pupunan ng sama
Sana sa mga kaibigan mo hindi ka na inis
Alalahanin mo lahat ng kanilang hapis at hinagpis
Kasama mo sila sa lahat ng kasiyahan
Kung mawala man sila sa panahon ng yong pangangailangan
'Di ka naman nila iiwan
Basta ba hindi mo sila bitawan
Sabihin mo lang sa kanila lahat lahat
Sana ay ikaw ay kanilang maunawaan
Alam ko namang sila ay 'yong kaibigang tunay
Hindi ko man nasaksihan ang buo ninyong buhay
Nakasama ko naman kayo sa panahon na ako ay nalulumbay
Kasiyahan ko kasi kayong tunay...
Note: Hindi ko na maalala kung sino pinayuhan ko😞😂
