Nais kong ipikit ang aking mga mata
At humiling na sa pagmulat nito'y wala akong makita
Nais kong takpan ang aking mga tainga
At humiling na sa pagtanggal ko ng aking kamay ay wala akong marinig
Nais kong umiyak nang pagkalakas-lakas
At humiling na sana ako na lang ang iyong mahalPero paano ko nga ba iyon magagawa?
Kung sadyang mapaglaro ka, damdamin kong nanahimik
Na sa kahit anong gawa kong pag-iwas ikaw ay lumalapit
Gusto kong mawala na parang bula
Pero wala akong magawa kundi ang pagmasdan ka
Kayo, kayong dalawa at yung isa mo paHindi mo ako kaibigan at hindi rin kasintahan
Lagi tayong nag-aaway sa lahat ng bagay
Ngunit may mga pagkakataon na tayo ay magkasundo
At iyon ang aking pinapahalagahan
Pero hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman
Gustong gusto kita pero galit na galit sa iyong pinaggagawaKung minsan ikaw sakin ay lalapit
Para lamang mangulit
Na kahit abala ako sa pagguhit
Nandyan ka para magpumilit
Pero nang ako na ang lumapit
Sa kaibigan ko ikaw ay kumapitPero sino ba naman ako para pigilan ka
Pati ang paghikayat sayo sa mabuti ay hindi ko magawa
Sumama ka nga noong una
Pero ikaw ay tumatanggi na sa pangalawa
Kaya ako ay nagtatampo at hindi ka na pinapansin
Pinapansin mo lang din ako kapag ikaw ay may kailanganAno ba itong gulong pinasok ko
Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sayo
Pati ang pag-aaral ko ay gulong-gulo
Sapagkat ikaw ang laging nasa isip ko
Gusto kong ikaw ay mapawi dito sa utak ko
Nang sa gayon, wala ng sakit dito sa puso koAno bang dahilan para ikaw ay magustuhan
At ano ba ang dahilan para hindi kita ayawan
Hangad kong limutin ka at takbuhan
Takbuhan ang mga sakit na aking nararamdaman
Pero ang nais ko lang naman ay pagmamahalan
Na wala nang halo pang sakitanGusto kong humanap ng mapagbabalingan
Nitong infatuation na aking nararanasan
Sana sa paglipas ng mga araw at buwan
Ikaw sana ay makalimutan
Naniniwala ako sa kasabihan na, " marami pang isda sa dagat,"
Na hindi lang ikaw ang pwede ko pang magustuhanUmulan ng malakas ng hapon ng uwian
Gusto kong umiyak sa aking namasdan
Hindi ko hinintay ang pagtila ng ulan
Sumugod ako at malungkot na nagpaulan
Madami namang dahilan para ikaw ay ayawan
Mang-aakin ka ng dalawang puso at may bulong bulong na malikot ang 'yong kamay
Pero gayunpaman bakit ikaw ay akin pa ring nagugustuhanSa ulan ko na lamang iniyak
Ang sakit at bigat sa aking dibdib
Siguro nga hindi ka paasa, ni hindi rin naman ako umasa
Sapagkat alam kong malabo at malayong mangyari
Parang tayo yung asymptote sa hyperbola, na kahit gaano pa tayo kalapit sa isa't-isa
Hinding hindi tayong mag-iintersect, hinding hindi magiging tayoSa tula ko na lamang malalahad
Ang lahat ng aking nararamdaman
At kung maririnig mo mang itong tulang walang kabuluhan
Asahan mong hindi na kita lalapitan
Dahil sa tula kong ito ay alam kong alam mo na
Na sa tulang ito, ikaw ang inaalayanMinsan naiisip kong wala akong halaga
Katulad ng mga di napapansing barya
Na maalala mo lang sa tuwing may kulang ka
At maiisip mo na sana ito ay iyong kinuha
Pero huli na ang lahat dahil wala na
Alam ko rin namang wala ng pag-asaMayroong ka mang mahal o wala
May pagtingin ka man sa akin o wala
Dahil ibubuhos ko na lang ang aking panahon
Para sa mga bagay na mas mahahalaga
Katulad ng pagsamba, pag-aaral at pagpapalakas
Dahil natutunan ko na dapat dumipensaDumipensa sa sakit at lalo pang lumaban
Na hindi pwedeng sumuko hangga't hindi pa tapos
Na hindi pwedeng umurong hangga't kaya mo pa
Hindi pwedeng mapagod, lagi ka lang tutuloy
Hindi pwedeng umatras dahil ang pag-ibig
Ito'y pinaghahandaanGaya ng matagal na proseso ng pag-aaral
Kung minsan ikaw ay nagkakamali
Nalilimutang gawin ang takdang-aralin
Pero hindi doon natatapos ang lahat
Kailangang mag-aral nang mabuti
Upang ikaw ay may masagot sa pagsusulitDapat mong galingan sa larangan ng pag-ibig
Bata pa ako at alam kong walang mararating 'to
Sabi mo nga, " walang tayo," pero sabi ko "wala din namang kayo,"
May nakapagsabi sa akin na pag-aaral muna ang atupagin
Dahil ang pag-ibig ko sayo ay walang kabuluhan
Pero ang mga pangarap ko'y may kahahantungan