Wala...
Wala, tatlong tuldok
iyon ang sagot mo sa tanong ng kaibigan ko.
Damdamin ko'y nawasak nang mabasa ko ito
Sariwa pa rin hanggang ngayonWala nga ba talaga?
Oo nga wala talaga!
Bakit pa ako aasa?
Ni katiting na atensyon ay iyong pinagkaitSinabi ko sayong hindi kita gusto
Sapagkat gulong gulo ang utak ko
At sugatan ang puso ko
Hindi na makuha ng mga gwapo, ang atensyon ko
Ang mga sinabi mo lamang ang siyang tumatatak sa isip koTakot na rin akong sumubok ulit
Pagkat alam ko, wala naman talaga
Tama ka nga naman, "pag-aaral muna ang atupagin," naminSalamat sa lahat ng turo mo sa matematika
Makakaasa kang hindi na ako mangungulit
Titigil na ako sayo
Ngunit hindi ko alam kung paano
Sadyang wala talaga siguro ako para sayo.