Nasasabik ako na kayo ay makita
Pagkat dalawang taong hindi nagkita
Sana magtagpo tayo sa Philippine Arena
At muling magkasamasama
Ngunit hindi tayo kumpleto
Sana susunod tayo ay magtagpo
Buo tayo katulad ng kahapon
Na masasayang nagtitipon
Ibibilang ko ito isang masayang memorya
Na parang data sa cellphone na ayaw mabura
Ibibilang ko itong pambihirang alaala
At itatabi sa puso ng hindi mawala
Totoo nga, tunay mahal natin ang isa't isa
Kasi pinagtagpo ulit tayo ng Ama
At dito sa Phil. arena
Masayang nagkasama-sama
