Bata Ka Pa (For All Binhi)
Bakit hindi ka maghintay ng tamang panahon?
Mahirap ba dahil baka mawalan ka ng pagkakataon?
Bata ka pa para sa ganon
Diyos muna ang sundin bago ang saloobinSana makinig ka sa amin
Bago ka makagawa ng kasalanan
Sapagkat mahal ka namin
Sana iyong unawainAyaw namin magalit
Ni hindi nagngingitngit
Ngayong nga lang nagsambit
Hindi ito pagkapaitAng mga lihim na sikreto
Ay maaaring mabunyag
Pagkat hindi mo alam ang dyablo pahamak
Maaari ka nyang ilaglagMaingat at ikaw'y kumapit
Pagkat sa iyong ilalim ay may mga sabit sabit
Mga bubog na nanakit
Kayang-kaya kang pilipitinIsiping mabuti ang lahat ng desisyon
Kung sa Diyos ba ay naaayon
Palagi mananalangin sa lahat ng panahon
Ikaw ay Kanyang gagabayan sa lahat ng pagkakataonHuwag mo sanang isipin
Na kaya ka nyang mas mahalin
Kaysa sa Kanya
Sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay napakamakapangyarihanSa buhay na ito ay di mo kailangan ng so-called lovelife
Di mo kailangan ng taong turing lang sayo ay past time
Sapagkat ang Diyos naman ay ang tunay na lovelife
Mauunawaan mo pagdating ng kadiwa lifeNa ang pakikipagtipan
Ay pinaghahandaan
Ito ay tulay sa pag-aasawa
Hindi para lang maging masaya