" Para Sa'yo"
Tingnan mo ang agwat nating dalawa
Matalino ka ako'y hunghang sa pagmamahal sayo
Malayo ka sa akin pero sapat ba ang damdamin ko para sayo?
Para sayo wala akong halagaPara sayo ako'y isang kaibigan lamang
"Para sayo kailangan kang limutin"
Wika nga sa isang kanta
Sino ba ako para sayo?Para sayo kay dali mo lang akong limutin
Ngunit para sa akin ay kay hirap
Tuwing gabi bago ako matulog ikaw lang ang nasa isip at puso ko
Parati akong naghahabol sayoPero ako'y iyong itinataboy
Sa sandaling malungkot ako naiisip ko
Ikaw ba'y masaya kahit wala ako?
Sino kayang nagpapaligayang tunay sa iyo, Mahal?Pero ako'y sumuko rin sayo
Kaya lang hindi mo ako hinabol kailanman
Nagsawa ako sayo
Samantalang sa simula palang
Hindi ka na interesado sa akin.Maibabalik pa ba ang nakaraan
Kung saan maaari pa kitang makausap nang personal
At makapagtanong tungkol sa kasaysayan
Ng taong si Pompey at Caesar?Para sayo itong tula ito
Ay patapon, walang kwenta
Hindi kawiliwili basahin
Para sayo kailangan kang limutin
Patawad kung ako'y sumuko at nagsawa para sayo.YongRine | YR