Third Person Point Of View
Sa tinagal tagal na inantay ni Chelsy ang unang araw ng pasukan dahil sa wakas ay magkikita na ulit sila ng matalik nyang kaibigan na sina Gwenyth. Kaya lang dahil sa sobrang pag kaexcite nya kagabi ay di sya nakatulog ng maayos at tinanghali sya ng gising.
Dahil alas syete ng umaga ang klase nya at pasado alas sais na sya nagising dali dali syang pumunta sa banyo nya at naligo. Wala pang sampung minuto ng matapos syang maligo at mag ayos.
Dali dali syang lumabas ng kwarto at tinawag ang daddy nya para magpahatid sa school. Bago lumabas sa kanilang bahay at sumakay sa kotse nila humalik muna sya sa pisngi ng nanay nya na beast mode kaagad dahil sa kanya.
"Mmyyyy, wag kanang beastmode dyan agang aga e! Tsaka aalis na ako yung baon ko" natatawang biro nya sa nanay nya.
"Hay nakung bata ka ! Pano ako hindi mabebeastmode unang araw ng pasukan late ka nagising, pati tuloy daddy mo malalate sa trabaho nya, naku ikaw--" mahabang litanya ng nanay nya bago nya to putulin sa pagsasalita nito
"Mommy naman late na nga ako , tas lalo kaming malalate dahil sa sobrang haba ng mga sinasabi nyo e." Naiinis na saad nya sa nanay nya.
"Sya lumayas kana sa harapan ko bago ka pa samain saaking bata ka" sabay tulak sa kanya palabas
"Myy hehe yung baon ko akin na dagdagan mo ha" malambing na sabi nya
"Heh! Anong dagdagan ?"
"Chelsy Dianne ano na lumabas kana dyan at malalate na tayo!" Sigaw ng daddy nya mula sa labas ng bahay
"Oh yan na tinatawag kana ng daddy mo." Sabi ng nanay nya sabay abot ng pera dito
"Sige myy , alis na ako bye mwuah"
Tumatakbong lumabas si Chelsy mula sa bahay nila papunta sa kotse ng daddy nya , alam nya kasing konti na lang malalate na sila kaya binilisan nya ang kilos nya.
"Bat ba ang tagal mong lumabas ng bahay malalate lalo tayo e" saad ng daddy nya habang binubuhay ang makina ng sasakyan
"Ee kasi naman dyy ang mommy nakakainis andami pang seremonyas bago ibigay yung baon ko, tsaka alam mo ba dyy di nya dinagdagan yung baon ko" mahabang litanya nya sa daddy nya habang humahaba ang nguso
"Bat kaba kase humihingi ng dagdag na baon sa mommy mo?" Tanong ng daddy nya
"Daddy ganto kase yan, tatlong bagay lang yun e, una kulang sakin yung baon ko , pangalawa kulang parin sakin yung baon ko , pangatlo daddy talagang kulang sakin yung baon ko. Dyy gusto nyo bang magutom ako?" madramang sabi nya sa daddy nya
"Hahaha! Sya sige na sige na ako na ang magdadagdag ng baon mo" natatawang sabi ng tatay nya
"YIEEPIEEE! Yey! Dabest ka talaga daddy" sabay yakap sa daddy nya
"Sya sige na , eto na yung dagdag sa baon mo. Oh nandito na pala tayo sige na bumaba kana , aalis na din ako" sabay halik sa ulo ng anak nya
"Byieee , daddy ingat mwuah" sabay baba sa kotse nila
"Bye, ingat din, pumasok kana agad baka malate kapa" sabi ng tatay nya habang kumakaway
Habang naglalakad sya papasok ng eskwelahan nila hindi nya maalis ang ngiti sa kanyang labi dahil sobrang excited na syang makita ang mga kaibigan nya lalo na si Gwenyth . Miss nya na kasing asarin yung kaibigan nyang yun pikon kase.
Kaya lang bago sya makarating sa classroom nila bigla na lang nag slowmo ang mundo nya at unti unti syang bumagsak sa mga kamay ng isang gwapong lalaki
BINABASA MO ANG
Love Over Why's
Teen FictionPano kung isang araw magising kana lang na nahulog na pala ang loob mo sa bestfriend mo, ano ang gagawin mo? Magpapaka martyr kaba tulad ng ginawa ni Chelsy o mas pipiliin mong aminin ang nararamdaman mo at umiwas na lang sa kanya pag katapos. Sabi...