Chapter Twenty-Four

0 0 0
                                    

Dahil medyo malayo yung pancake house na kinainan namin sa Subdivision nina Aaron at dahil na din sa traffic inabot din ako ng trenta minutos bago kami makadating sa tapat ng subdivision nina Aaron.

"Sir house number po tsaka family name?" tanong nang guard sa taxi driver.

Nilingon ako nang driver tsaka nagtanong nang "Maam house number daw po tsaka pangalan?"

"Kuya guard house number 26 , kaibigan po ako ni Aaron Gonzales" sagot ko sa guard.

Pagkatapos kong sabihin kung anong number nung bahay na pupuntahan namin ay hiningan ako ni Kuya guard ng ID as a protocol daw nung subdivision nila.

"Manong bayad po" nakangiting sabi ko bago bumaba nang taxi.

Hindi kuna kailangang pindutin ang doorbell sa labas ng bahay nina Aaron dahil kanina pa pala ako inaabangan ni Andeng.

"M-maam Chelsy buti po d-dumating na kayo" natatarantang sabi sakin ni Andeng.

Hindi na nya ako inantay na makapagsalita dahil agad nya na akong hinila papunta sa kwarto ni Aaron.

"Manang kamusta, sumagot na po ba si Aaron?" tanong ko sa mayordoma nila.

"Hindi pa rin, kanina pa namin sya kinakatok pero hanggang ngayon wala paring sagot."

"Aaron si Chelsy to buksan mo yung pinto" mahinahong sabi ko habang kinakatok ko yung pinto.

"Aaron ano ba buksan mo to" sabi ko ulit pero katulad kanina walang sumagot.

"Aaro--" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng isang malakas na ingay na nanggaling sa loob ng kwarto nya. Nagkatinginan kami nina manang na halata mong pareparehas kaming nag aalala sa kung ano mang nangyayari sa loob.

"AAROOON ANO BA BWESIT KA BUKSAN MO TONG PINTO NGAYON NA!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto nya.

"Susmaryosep ano na kayang nangyayari sa batang yan sa loob" kinakabahang sabi ni Manang habang hinahawakan ang kanyang dibdib.

"Ma-manang okay lang po ba kayo? Andeng kunin mo yung silya para makaupo si Manang. Manang relax lang po okay"

"Maam ito na po" nagmamadaling sabi ni Andeng.

"Manang upo muna po kayo" turan ko habang inaalalayan naming dalawa na makaupo si Manang

"AARON BUKSAN MUNA TO SINASABI KO SAYO KAPAG MAY NANGYARI KAY MANANG DAHIL SA DRAMA MO SA BUHAY , PEPEKTUSAN KITA PATI BUHOK MO SA ILONG BUBUNUTIN KO HUMANDA KA SAKIN!!!" sigaw ko.

"Andeng tawagin mo yung driver sa baba tsaka magpadalaa ka nang pamalo para masira tong pintuan nya." utos ko kay Andeng na halatang nagulat sya sa narinig mula sakin.

"Ma-maam?" nag aalangang turan nya

"Andeng narinig mo ako , so dalian muna at baka kung ano nang nangyari dyan sa sira ulong amo mo , ako na ang bahala sa parents nya dont worry"

Pagkarinig ni Andeng nang magic word na ako na ang bahala sa parents ni Aaron dahil sisirain namin ang isa sa pinto nila sa bahay ay nagmamadali na itong umalis para tawagin yung driver.

Actually naiintindihan ko namang si Andeng kase syempre baka masisante pa sya dahil sinira namin yung pinto ng kwarto ni Aaron.

"HOY AARON AYAW MO PARIN TALAGANG BUKSAN ANG PINTO. WALANG SISIHAN HA, SIGE TIGNAN NATIN. HUMANDA KA SAKIN!" kanina pa ako sigaw ng sigaw pero mukhang walang epekto sa bakulaw na yun.

Nag aalala naman ako sa kalagayan ngayon ni Aaron pero ewan ko ba trip ko lang sumigaw ng sumigaw para kahit papano mabawasan yung emosyong meron ako ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon