Chapter Sixteen

0 0 0
                                    

Matapos ang naging proposal sakin ni James kanina sa field sa harap ng madaming tao , kumain lang kami nina James kasama ang buong barkada sa canteen para daw icelebrate namin ang  relasyon namin dahil first day namin as a official magboyfriend girlfriend.

"Nandito na tayo baby , text me if you need anything okay? Wala naman kaming gagawin nina Angelo kaya makakapunta kami dito kapag may kailangan pa kayo" mahabang paalala sakin ni James habang hinahatid kami ni Aaron sa Auditorium para makapag handa na kami sa gaganaping pageant mamaya.

"Opo promise , I will call you if we will be needing anything" malambing kong turan dito habang may matamis na ngiti sa labi.

"Pre bantayan mo to ha , kapag may lumapit na ibang lalaki upakan mo ako nang bahala sayo" seryosong bilin nito kay Aaron

"Oo bro ako nang bahala kay Chels tsaka oo uupakan ko ang lalapit sa kanya hahahah" natatawang sagot nito sa sinabi ni James kaya naman natawa na din si James.

"Hahahaha , the best ka talaga bro" tumatawang sambit nito habang nag fifist bumb silang dalawa.

"Mga baliw , hahaha sige na baby una kana. Dont forget na may naka reserve nang seat para sa inyo ha pati kayna Mommy ikaw nang baha--"

"Opo baby ako nang bahala , alam na alam namin ang seat number namin nina Bryan tsaka opo ako na po ang bahalang sumundo kina Tita. That's why you dont have to worry about anything because everything is under control" pagtutuloy ni James sa mga ssabihin ko dapat kaya naman napangiti ako dito sabay yakap.

"Hep hep hep tama na nga yan, lumayas kana dito James nilalanggam na kayo eh tsaka ikaw naman Weird kailangan na nating pumasok sa loob" hirit ni Aaron saming dalawa ni James habang pinaghihiwalay kaming dalawa hahaha inggit lang to e wala pa kase ang jowa nya hahaha.

"Five minutes na langggg!" hirit din ni James kaya naman napatawa ako.

"Hindi na pwede" saway ni Aaron at mukha na talaga syang problemado

"Baby sige na kita na lang tayo mamaya  okay bye" paalam ko dito sabay bitaw sa kamay nito dahil kung hindi pa ako bibitaw siguradong hindi pa sya aalis.

"Okay sige na aalis na ako , ingay ka ha love you ingat ka papakasalan pa kita okay" malambing na sambit nito sakin habang hinihila ako pabalik sa kanya bago ako hinalikan sa noo.

Shock na shock ako sa ginawa at sinabi nya , oh my goshhh palakas ng palakas ang tibok ng puso ko naistatwa din ako sa kinatatayuan ko kaya naman hindi kuna namalayan ang ginawang pag hila ni Aaron dito palayo, hinawakan ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko sa sobrang pagwawala nito baka mahulog to sa baba.

Alam ko naman dati na malakas ang epekto sakin ni James pero iba na ngayon mas lalong lumakas ang nagagawa nitong pagpapatibok sa puso ko.

"May araw ka din sakin Aaron porket wala dito jowa mo hinahadlangan mo kami susumbong kita kay Aly hahahah" parang tangang sigaw ni James kaya at yun ang naging hudyat para bumalik ako sa katinuan ko.

"Gagoo dadating yun mamaya haha" sigaw din nito pabalik habang pinapasaludo ang gitnang daliri nya sa nakatalikod nang si James.

"A-aray naman weird" reklamo nito dahil sa pang hahampas ko dito.

"Hahaha tara na malalate na tayo" natatawang sambit ko dito habang hinihila ang braso nito papasok sa Audi.

"WOW! WOW HA! landian kayo ng landian kanina pa so bat parang kasalanan ko pa?" di makapaniwalang sambit nito sakin.

Makalipas ang tatlong oras na pamamalagi namin sa Audi para sa last rehearsal namin para sa pageant mamaya ng Mister & Miss Intramurals 2020. At ngayon nga ay may 30 minutes break kaming mga contestant para mag  early lunch dahil pagpatak ng alas dose balik na ulit kami sa pag aayos.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon