Chapter Eight

3 3 0
                                    

"San mo gustong umupo tayo?" tanong ni Aaron sakin.

"Hmm, dun na lang tayo sa loob"

"Ayaw mo sa labas ? Ang ganda nung view oh , tara mag picture" sambit nito habang hinihila ako papunta sa may gilid kung saan naka pwesto ang mga lamesa at upuan sa labas ng ice cream parlor.

"Wag na sa loob na lang tayo" kontra ko dito habang hinihila din ang braso nito.

Kunot noo itong tumingin saakin sabay sambit ng "Bat ayaw mo sa labas e ang ganda nung view, tara na dun na tayo tas mag picture tayo tas send natin sa kanila" nakangiting sambit nito.

"Wag na sa labas dun na lang tayo sa loob tignan mo maganda din naman dun sa loob tsak---"

"Bat nga ba ayaw mo sa labas ha?" pangungulit nito sakin.

"Duhh , ang init init sa labas can't you see wala ngang kahangin hangin dito sa labas , eh sa loob may aircon malamig" maarteng sambit ko dito sabay irap na ikinatawa naman nito.

"Wow rich kid sanay sa aircon , iba ka Chelsyy" pang aasar nito sakin.

"Ang arte arte mo tara na kanina pa ako nagcracrave sa ice cream"

"Ang arte arte mo tara na kanina pa ako nagcracrave sa ice cream" sabi nito habang ginagaya ang boses ko.

"Yuck ang oa mong mag salita" irita kong sambit dito.

"Wow ha , ginaya ko lang accent mo excuse me hahahah" natatawang sambit nito.

"Dadaan ka? Sige daan na" pambabara ko dito.

"Nakakatawa Chelsy" pang aasar nito.

"Edi tumawa ka" mataray na sambit ko dito sabay talikod para magpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng ice cream parlor.

Nakaka ilang hakbang pa lang ako palayo dito nang maramdaman kuna si Aaron na sumusunod saakin. Makalipas ang ilang minuto naramdaman kong may brasong umakbay saakin. 

"Manya--"

Handa na sana akong sapakin at sigawan ang walangyang lalaking umakbay sakin ng bumulong ito sa tenga ko.

"Relax ako lang to Chelsy" bulong ni Aaron sa tenga ko.

"Bwesit ka naman Aaron , bumitaw ka nga ano bang trip mo sa buhay ha?" inis na turan ko dito.

"Maglakad ka lang, wala naman tong malisya ano ka ba , swerte mo nga e inaakbayan kita" maangas na sambit nito.

"Bumitaw ka nga ang init init tsaka ambigat bigat mo"

"Wait lang andaming nakatinging lalaki sayo dito ang sabi nina Angelo protektahan daw namin kayo nina Gwenyth"

"Protektahan? Ang ooa talaga nina Angelo" inis na sambit ko

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad parang tanga si Aaron dahil bulong ito ng bulong.

"Oh mauna kanang umupo ako na lang ang oorder"

"Sigee, yung akin ay Ube ice cream tas double shot ng Avocado syrup with peanut" nakangiti kong sambit dito.

"Shucks, sure kang yun ang sayo?" takang tanong nito sakin.

"Oo naman bakit?"

"Dems discription pa lang dun sa gusto mo nakakasuka na , ayaw mong chocolate?"

"Ayoko yun ang gusto ko, tsaka wag ka ngang maarte bakit ikaw ba ang kakain?" maarteng sambit ko dito.

"Bahala ka nga , sige na pumunta kana sa upuan" pag suko nito

Malaki ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad sa paborito naming upuan ni James dito sa loob ng ice cream parlor. Shemss naalala kuna naman si James nakakainis na kase sya eh , sinabi kunang may mahalaga akong sasabihin mamaya pag pauwi na kami tas biglang may emergency kakainis.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon