Madaming linggo na ang lumipas matapos ng pagkapurnada ng supposedly na Three days na bakasyon namin sa tagaytay at ng masayang family dinner daw namin sa bahay nina James.
Naging okay na din kami nina Aly kinabukasan dahil pumunta sila sa bahay at may dalang Ube ice cream with avocado shots na binili pa nila sa paborito kong ice cream parlor malapit sa subdivision namin.
Nag aya din silang mag sleep over sa bahay namin para daw magkakasama parin kami at makapag bonding din kami. Naging masaya ang mga lumipas na linggo ng buhay ko , mas naging sweet pa lalo kami James at ngayon nga ay mag totwo months na syang nanliligaw sakin.
Maaga akong umalis ng bahay para pumasok sa school dahil mamayang ala una na din ang pageant na sinalihan namin ni Aaron.
"Hello? Yes bihis na ako nasan kana ba?" masiglang tanong ko kay James.
"Ha? Hindi ako ihahatid nina Mommy wala sila. Sa school na kami magkikita mamaya"
"Bakit? Diba sabi mo ikaw ang maghahatid sakin?" sambit ko.
"Uhm, sige kita na lang tayo sa school" malungkot na sambit ko.
Nagpatawag na ako kay Manang sa guard house para magpatawag ng taxi sa labas , wala kasing dumadaan na taxi dito sa loob ng subdivision namin kaya kailangan mo pang tumawag muna sa guard house para sila ang kumuha ng taxi para sayo.
"Manang alis na po ako" paalam ko kay manang habang may simpleng ngiti sa labi ko pag katapos ko syang halikan sa pisngi.
"Sige anak mag ingat ka ha , tsaka galingan mo sa contest mo mamaya" nakangiting turan nito sakin.
"Opo naman Manang para sa inyo nina Mommy gagalingan ko tsaka aantayin ko po kayo mamaya kaya make sure na manuod kayo ha" sambit ko
"Oo naman , susunduin ako mamaya ng mommy mo para sabay kaming pumunta sa school nyo. Pasensya kana anak ha at ginamit kase ng Mommy mo yung isang sasakyan kaya tuloy kailangan mo pang mag taxi akala din kase namin na si James na ang susundo sayo" mahabang turan nito.
"Okay lang po , nag kaemergency po ata si James kaya di nya ako masusundo. Una na po ako Manang" paalam ko dito bago tuluyang sumakay ng taxi.
Dahil maaga pa naman kaya wala pang masyadong traffic at malapit lang din naman sa bahay ang school namin. Kaya wala pang trenta minutos ay nasa school na ako.
From Alypunga :
Cysst asan kana?From Beangot :
Girlll where are you?From Gwenythsuuu :
San ka?Sunod sunod na text ng mga kaibigan ko sakin, no ba naman tong mga to isa isa pang nagtext iisa lang naman sinasabi.
To Alypunga :
Kabababa ko lang ng taxi , papasok na ako sa gate bakit ba?To Beangot :
Kabababa ko lang ng taxi , papasok na ako sa gate bakit ba?To Gwenythsuuu :
Kabababa ko lang ng taxi , papasok na ako sa gate bakit ba?Ilang minuto lang ay nauna nang magreply si Bea , sunod naman si Aly at ang laging late magreply na si Gwenyth , isa isa ko ulit binuksan ang mga text nila.
From Alypunga :
Daanan mo naman ako nasa field ako see you , thank you , love you cyst<3From Beangot :
Papabili sana ako sayo ng juice heheheFrom Gwenyth :
K.From Alypunga :
By the way sa triy ka dumaan ha , mwuahhh.Bwesit talaga tong mga babaing to wala nang magandang nagawa , tsaka tong si Aly sasapakin ko to mamaya. Sya na nga lang magpapadaan sakin demanding pa gusto pay dun sa mas malayong way ako dumaan. Baliw talaga yun mas malapit naman sa circa yung field gusto pay sa triy.
BINABASA MO ANG
Love Over Why's
Ficção AdolescentePano kung isang araw magising kana lang na nahulog na pala ang loob mo sa bestfriend mo, ano ang gagawin mo? Magpapaka martyr kaba tulad ng ginawa ni Chelsy o mas pipiliin mong aminin ang nararamdaman mo at umiwas na lang sa kanya pag katapos. Sabi...