Chapter Twelve

3 0 0
                                    

Hinatid kami ng mga kaibigan namin sa sasakyan ni Angelo , isa isa nila akong niyakap at binulungan na magiging maayos din ang lahat.

"Ingat ka sa pagdadrive bro ha , wag masyadong mabilis magpatakbo" bilin ni Aaron.

"Oo nga naman Angelo bagalan mo lang baka magsuka si Chels sa bilis mong mag drive" gatong naman ni Symon.

"Oo mag iingat ako" sagot naman ni Angelo sa mga ito.

Nang makasakay na kami sa loob ng kotse ni Angelo ay di parin paawat sina Aly sa pag papaalala kay Angelo na hinay hinay lang sa pagdadrive.

Inabot din kami ng halos limang minuto bago matapos ang paalamanan.
Katahimikan ang bumalot saaming dalawa sa loob ng sasakyan , wala ako sa mood para magdadaldal sa kanya ngayon at natatakot naman ako sa maaaring sasabihin nya saakin.

"Chels I know that your not okay but I still can't stop myself from asking you this , Are you okay?" mahinahong tanong sakin ni Angelo habang nakatingin parin sa daan.

Nag panggap akong walang narinig mula sa sinabi nito dahil kahit ako ngayon mismo hindi ko alam kung okay lang ba ako.

"Chelsy Diane" seryosong sambit nito.

Patay binanggit na nya ang buong pangalan ko kaya naman alam kunang seryoso na talaga sya at natatakot ako na baka umiyak na naman ako sa harapan nya.

"H-honestly I don't know" mahinang sambit ko dito.

"I know that your not okay but please stop crying , pauwi na tayo sa inyo baka lalong mahalata nina Tita na umiyak ka"

"Okay , ahmm thank you nga pala Angelo" nakangiting sambit ko dito.

"Salamat saan?" litong tanong nito sakin.

Ngiti lang ang tanging sinagot ko dito ayaw kunang mag drama dahil tama si Angelo baka kapag umiyak pa ulit ako lalo lang mamaga ang mga mata ko at mahirapan pa syang magpaliwanag kong bakit ako umiiyak.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang nagdadrive naman si Angelo , ngayon lang pumasok sakin lahat ng kakahiyan ng mga ginawa ko kanina.

Naputol lang ang katahimikan namin sa loob ng sasakyan ng tumunog ang kanyang cellphone , siguro tumatawag na naman sina Aly sa kanya sometimes sobrang clingy at kulit talaga ng mga yun.

"Hello myy , yess , I'm actually driving right now po , im sorry myy may emergency po kase si manong ngayon kaya I don't have any choice"

"Ihahatid ko po sana si Chelsy opo myy , ngayon na po? Okay myy I'll just ask her myy if pedeng dumaan muna kami dun sige po myy , wait po"

"Chels is it okay if dumaan muna tayo sa restau?" bulong na tanong nito sakin habang nakatakip ang isang kamay sa telepono nya.

"Ha? Ahmm sigee" sagot ko dito wala naman akong choice diba ang kapal naman masyado ng mukha ko kung sasabihin ko ditong gusto kuna talagang umuwi.

"Are you sure?" tanong nito sakin

"Yes ofcourse" sambit ko sabay ngiti dito.

"Hmm, sige I will call Tita na lang to inform them that your with me, para di na din sila mag alala dahil medyo gabi na din" sambit nito habang akmang hahanapin sacellphone nya ang number ni Mommy para tawagan.

"You know what Angelo just give me your phone, and then I will call myy and then put her in a speacker phone , so that you can focus on driving" suggest ko dito.

"Mabuti pa nga" payag naman nito habang inaabot sakin ang phone nya.

Habang hinahanap ko ang pangalan ni Mommy sa contacts nya una kong nakita ang mga pangalan namin sa phone nya , napatawa ako ng makita kung ano ano ang nakalagay na pangalan sa mga pictures namin.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon