Chapter Eleven

1 0 0
                                    

"First of All I wanted to congratulate all of you beacuse Job well done you all walk like a model you had the face , the confidence and the body to join this screening. Congratulation ladies and gentlemen" speech nung isang teacher sa Mapeh.

"So after the deliberation of the judges we are happy to announce the names of the candidates who step to the another level of the screening. Are you excited?" tanong nito sa mga nanunuod , at dahil may kanya kanyang dalang support system ang bawat contestant sabay sabay ang mga itong naghiyawan bilang suporta sa kanilang mga pambato.

Gosshhh antagal namang iannounce ang mga pasok sa Mister and Miss Instrams kanina pa nananakit ang paa ko dahil sa taas ng heels na suot ko tsaka kanina pa akong nangangawit dahil sa pilit na ngiting nakapaskil sa mukha ko.

"Apparently we are only getting 20 candidates 10 candidates for Mister Instrams and 10 candidates for the Miss Intrams , so goodluck everyone."

"The candidates that I'm going to call is automatically in for the contest. So the first number that I will be calling is for the girls then boys so I will be calling it  alternately, so are you ready guys?"

Nagsigawan ulit ang mga manunuod.
Nakita ko sina Aly na grabe kong makasigaw para lang icheer kami ni Aaron kaya kahit na nalulungkot ako na wala dito si James para panuodin ako kahit na nangako sya ay pinipilit ko paring ngumiti sa harap ng mga tao dito para sa mga kaibigan namin.

Dahil nasa unahan kaming mga babae at nasa likod naman ang mga lalaki , nagagawa ni Aaron na kulitin ako.

"Hoy weird princess ngumiti ka nga dyan nasa contest tayo ha wala tayo sa lamay" pang aasar na bulong nito sakin , alam ko namang hindi nya ako inaasar paraan nya lang yun para pangitiin ako , kaya naman nilinon ko sya at nginitian.

"Wag kanang malungkot baka naman may dahilan si James kaya hindi sya nakarating" dagdag pa nito.

"Number 1 please step forward , ikaw din contestant number 10" unang tawag nung teacher.

"Contestant number 16 and number 3"

"Contestant number 6 and number 5" anunsyo nung teacher , napapalakpak ako nang marinig na pasok si Aaron , tumingin muna sakin si Aaron habang nakangiti ng malawak bago sya pumunta sa gitna.

Nagtuloy tuloy pa ang pag tawag ng teacher sa mga contestant na pasok sa mismong pageant sa Sept , dalawa na lang ang kailangan para makumpleto ang mga candidates at hindi parin ako tinatawag.

I mean di ko naman gustong manalo para sa sarili ko nahihiya lang ako kina Aly kapag hindi ako nanalo ang taas taas pa naman ng suporta nila samin kanina. Tas bumili pa sina Symon ng lobo na may number namin ni Aaron.

"So guyss isang pares na lang ng candidates ang kailangan natin icheer nyo na ang mga manok nyo ahhaha" anunsyo nung teacher kaya naman naglakasan na naman ang hiyawan.

Muli akong tumingin sa pwesto nina Bea kita ko at rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga ito para icheer ako kaya naman isang malaki at genuine na ngiti ang ibinigay ko sa mga ito.

"So last but not the least congratulations Candidate number 7 and Candidate number 9" last na anunsyo nung teacher .

"HOY CHELSY ANO PANG HINIHINTAY MO PUMUNTA KANA SA UNAHAN!" sigaw ni Aly

"CHELSY NABINGI KANA BA? TINAWAG NA YUNG NUMBER MO" hiyaw naman ni Symon.

"Parang di makapaniwala si candidate number 7 na pasok sya hahah , candidate number 7 please step forward"

"Weird princess dali na baka magbago pa isip nila hahaha" sambit naman ni Aaron habang tumatawa

Hindi agad nag sink in sakin na pasok na pala ako sa next level nung contest , kundi lang dahil sa hiyawan ng mga kaibigan ko at sa sinabi nung teacher baka di parin ako naglalakad papunta sa gitna.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon