Chapter Twenty-Two

0 0 0
                                    

Nang naglalakad na ang mga kaibigan namin palabas ng kwarto inantay ko lang na maisara nila ang pinto bago ko muling nilapitan si Aaron at naupo sa tabi nya sa kama. Kinuha ko din ang first aid kit na kinuha kanina ni Bryan sa loob ng banyo nito.

"Aaron alam kong di ka okay, pero gusto kong malaman mo na nandito lang kami , ako nandito lang ako para sayo. Handa akong makinig sa mga sasabihin mo." marahang sambit ko dito habang kumukuha ng cotton balls at alcohol para linisin ang sugat nya.

Hindi ito nagsalita kaya naman pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita at ang pag dampi ng bulak na may alcohol sa balat nya.

"Alam naming di madali para sayo ang nangyari, pero wag mo naman sanang hayaang kainin ka ng galit at sakit. You are better than this Aaron" dagdag ko.

"M-masakit" mahinang sabi nito.

"Alam ko , alam kong masakit na malaman na niloloko ka pala ng taong mahal mo. Pero kailangan mong lumaban" turan ko dito habang nakatingin ng deretso sa mga mata nya.

"H-hindi yun ang ibig kong sabihin.... Masakit yung pinapahid mo sa s-sugat ko" mahinang sambit parin nito.

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa aksyon nito, ang lakas ng loob na sugatan ang sarili pero takot sa bulak na may alcohol nubayan! Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magtiis sya ginusto nya to kaya lang naalala ko na may pinagdadaanan nga pala sya. At baka bigla na lang nya akong kaladkadin palabas ng kwarto nya kaya wag na lang.

"Eh, bat kase sinugatan mo ang sarili mo ha?" mataray na tanong ko dito.

"Alam ko namang nasasaktan ka dahil sa ginawa sayo ni Awrana , I-i mean Amira pala pero di tama ang ginawa mo." Ddagdag ko pa.

"Alam ko naman yun pero ang sakit sakit kase.... binigay ko sa kanya ang lahat but it seem that its not enough." mahinang saad nya habang pasimpleng pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Hindi ikaw yung may mali Aaron may mga tao lang talagang hindi marunong makuntento. Tsaka ikaw na rin mismo ang nagsabi na you did your best, at kahit na ibigay mo pa ang 110 percent mo kung hindi marunong umappreciate at makuntento ang pinagbigyan mo mawawalan lang yun ng saysay, because eventually they will find their way out" sagot ko sakanya habang patuloy na dinadampian ng bulak ang sugat nya.

"Hindi mo kasalanan binigay muna ang lahat sa kanya to the point na you let yourself suffer. And right now I think this is the right time na yung sarili mo naman ang isipin mo. Give yourself a chance to be genuinely happy and you can only do that kapag tinanggap muna sa sarili mo na wala na kayo."

"Chels... sa tingin mo, k-kaya ko ba? Gusto ko namang kalimutan na sya pero... natatakot ako na baka, hindi ko kayanin" madamdaming tanong nito sakin.

"Pano mo malalaman na kaya mo kung hindi mo susubukan , tsaka kahit anong mangyari I promise na nandito lang ang buong barkada para sayo. Nandito lang ako tandaan mo yan" saad ko matapos kong lagyan ng gasa ang sugat nya at tapean ito.

"Halika dito" tawag ko dito bago ko sya hinila patayo at itinulak pahiga sa kama nya.

"A-anong gagawin mo?" utal utal na tanong nito na para bang kinakabahan sya.

"Bwesit na to , hoy wala akong gagawing masama sayo kilabutan ka nga dyan sa iniisip mo" inis na turan ko bago ko sya binato ng unan sa mukha.

"Hahaha , joke lang di ka naman mabiro hahaha" tumatawang sabi nya.

Napangiti ako nang sa wakas ay nakita at narinig kuna ulit syang tumawa kahit na mejj nakakahiya yung inisip nya, soya naman kase atleast hindi na sya umiiyak ngayon.

"Pero seryoso Chelsy thank you sa pagpunta nyo dito. Naappreciate ko ang ginawa nyong effort tsaka pasabi kay Aly sorry sa nasabi ko kanina. Sobrang sakit lang talaga kaya nakakagawa ako ng mga bagay na hindi tama" seryosong litanya nito.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon