Chapter Nine

4 3 0
                                    

Bago umakyat sa kwarto ko dinala ko muna sa kusina yung ice cream ko para ilagay sa ref , dahil kay Aaron kahit ilang araw akong di pumunta sa ice cream parlor may ice cream parin ako.

Mabait din naman pala yung tukmol na yun kahit may pag kachismoso , sabagay di na yun big deal sakin sanay na sanay na ako sa mga unggoy.

"Chelsy anak bat hindi si James ang nag hatid sayo?" tanong ni Manang ng makalapit ito sakin.

"May emergency po kase sya Manang , tsaka yung naghatid po sakin is bagong member ng barkada so lagi nyu na din yung makikita." nakangiti kong sambit dito.

"Anong pangalan nya?"

"Aaron Gonzales po transferee po sya Manang"

"Ahh ganun ba , sya sige at umakyat kana para maka paglinis kana ng katawan mo at maka pagpahinga kana din" malambing na saad ni Manang.

"Hmm, sige po aakyat na po ako" paalam ko dito bago humalik sa pisngi nya.

Naglakad na ako palabas ng kusina nang maalala na may ice cream nga pala akong dala, kaya naman lumingon ako pabalik sa pwesto ni manang sabay sabing "Manang may ice cream po sa ref mag dessert na po kayo" pahabol na saad ko.

"Sige anak kukuha ako mamaya , sige na umakyat kana"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng kusina , aakyat na sana ako sa taas para pumunta sa kwarto ko nang madaanan ko sina Mommy at Daddy na magka akbay habang nakaupo sa sofa at nanunuod ng paborito nilang tv show.

Patakbo akong pinaghiwalay ang mga braso nina Mommy sa isat isa at biglang umupo sa gitna ng mga ito , bakas ang gulat sa mukha nila ngunit ng maintindihan ang nais kong mang yari ay napatawa na lang silang dalawa.

"Ayy ang baby namin naglalambing" nakangiting turan ng mommy.

"Hahahaha , anak may problema ba?" tanong ni daddy.

"Wala naman po dyy bakit?"

"Ee bakit ka nag lalambing samin ng mommy mo anong nakain mo?"

"Ang daddy naman naglalambing lang may ibang meaning agad , bawal na ba akong maglambing sa inyo ng mommy" pacute kong sambit sa mga ito.

"Oo nga naman daddy minsan na nga lang to mag lambing inaasar mo pa hahahah" natatawang sabi ng mommy.

"Pero anak tama din ang daddy mo ano bang nakain mo di ka naman ganto lagi hahahahah" nang aasar na sambit din ng mommy.

"Nakakain po kase ako nung paborito kong ice cream tas may take out pa , may stock na po ako ng pang isang linggo hahahha" masayang turan ko sa mga ito.

"Yung lalaki bang kasama mo kanina ang may bigay nun sayo? Sino ba yun?" seryosong tanong ng daddy.

"Opo dyy yung nag hatid po sakin kanina yung bumili nung ice cream ko , si Aaron Gonzales po yun myy , dyy transferee po sya tas bagong myembro po sya sa barkada. Sya din po pala yung nakabangga ko nung unang araw" mahabang saad ko sa mga ito.

"Bat sabi ni Manang kanina si James daw sumundo sayo bat hindi sya ang naghatid sayo pauwi?" tanong ng mommy.

"Hmm, may emergency po kase si James kanina kaya kay Aaron na lang ako sumabay"

"Ee bat may ice cream ka?"

"Dumaan po kase kami dyy dyan sa ice cream parlor sa tapat ng subdivision natin sa cloudzy , gusto daw po kase nyang mag picture kase nakita nya kaninang maganda yung interior nung shop"

"Pano na si James mukhang may kakumpitensya na si James ah diba dyyy" pang aasar sakin ni mommy.

"Basta ako si James parin ang piliin mo anak kawawa naman yun" gatong naman ni daddy.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon