Chapter Ten

4 3 0
                                    

Mabilis na tapos ang mga araw , linggo at buwan at ngayon linggo nga ay mag sisimula na ang screening para sa Mister & Miss Intramurals 2019. Kaya maaga kaming pumasok ni Aaron dahil pupunta pa kami sa faculty para kumuha ng screening number.

From Aarong kulugo : KANINA PA AKO DITO PINAG TITINGINAN NA AKO NG MGA BABAE DITO.

From Aarong kulugo : I FEEL SO VIOLATED!!!!

From Aarong kulugo : HOY DALIAN MOO!

From Aarong kulugo : Ambagal mo naman!

From Aarong kulugo : Usapan natin maaga 3 minutes na akong nandito sa gate.

From Aarong kulugo : Hoy weird princess nasan kana?

Sunod sunod na pasok ng mga text sakin ni Aaron , gossh ang oa talaga nung kulugong yun wala pa nga akong 5 minutes na late kung makapag nagg naman akala mo ilang oras nang nag hihintay.

Arte talaga akala mo naman mauubusan ng number kung makapag madali , tsaka kasalanan ko bang traffic dun sa may gitna kanina kaya medyo natagalan ako, patay ka sakin mamaya.

Pagka hinto na pagka hinto ng kotse namin sa tapat ng gate dali dali na agad akong nag paalam kay Daddy.

"Dyyy , byee na po ingat po kayoo" paalam ko dito habang humahalik sa pisngi nito pag katapos dali dali kunang binuksan ang pintuan ng sasakyan para bumaba.

Pagkababa na pagkababa ko nakita kuna agad si Aaron na nakatayo malapit sa guard house habang may kausap na mga babae , ang arte nya ha kung makapag text parang ilang na ilang at naiirita na may mga kumakausap sa kanya pero in real life tuwang tuwa naman ang potek.

Dahil nakatalikod si Aaron sa tayo ko naka isip ako ng kawalangyaang gagawin ko sa kanya haha , humanda ka.

Mabilis at maingat akong naglakad papunta sa kinatatayuan nila narinig ko pa silang nag uusap tungkol sa mang yayaring screening mamaya.

"Hmm Aaron galingan mo mamaya ha manunuod kami." sabi nung isang babae

"Oo nga Aaron , susuportahan ka namin" sabat naman nung isa.

"Ano bang number mo mamaya para makabili kami ng number na lobo dun sa labas mamaya" sambit nung isang babae habang nag papacute ng mata , shet cysst baka mahipan ka ng masamang hangin kawawa ka.

"Wala pa kaming number eh kukuha pa lang kami kaya lang wala pa yung kapartner ko amba--"

Hindi na natuloy ni Aaron ang sasabihin nya nang batukan ko sya ng malakas , kala mo ha sisiraan mo pa ako buti nga sayo.

"OH MY GOD!" gulat na sigaw nung mga babae wow sabay sabay pwede na silang sumali sa choir.

"Bakit ka nambabat--" hindi na natuloy ni Aaron ang sasabihin nya dahil pag kaharap nya sa pwesto ko ay halatang gulat na gulat sya nang makitang ako yung nambatok sa kanya. Yung kaninang inis na ekspresyon nya ay napalitan ng kinakabahang emosyon sa mukha nya, halatang halatang kinakabahan kang kulugo ka ha , sisiraan mo pa ako.

"Kanina ka pa ba dyan? Hehehe" tanong nito habang hinihimas ang batok na hinampas ko kanina.

Masama ko syang tinignan sabay sambit ng "Tara na nga ambagal bagal mo kanina pa tayong inaantay dun sa faculty mahiya ka naman duhh" masungit na sambit ko dito na para bang ako pa ang nag hintay ng matagal kahit infact ako yung late hahaha, habang nauuna nang maglakad dito.

"Bye girlss , see you around!" pag papaalam nito sa mga babaing kausap nya kanina , antaray din nito feeling madaming fans , well sige na let me admit it madami naman talaga syang fans dito sa school.

Matapos mag paalam sa mga babaing kausap nito kanina patakbo itong humabol saakin habang sumisigaw ng "HOY WEIRD HINTAYIN MO NGA AKO"

Hindi ko sya pinansin at patuloy lang akong naglakad palayo dito , dahil di hamak na mas mahaba ang biyas nito sakin lakad takbo ang ginawa ko pero makalipas ang ilang hakbang ay nahabol at nahawakan na din ako nito sa braso.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon