Tatlong buwan na simula nang matapos ang pageant na sinalihan namin ni Aaron at parehas kaming itinanghal na panalo ni Aaron. At tatlong buwan na din simula ng maging kami ni James.
Masaya naman ang tatlong buwang nakalipas samin ni James, lalo syang naging sweet at malambing sakin. Araw araw din kaming magkasama dahil bukod sa magkaklase kami ay lagi din syang nakatambay sa bahay namin kahit naman nung hindi pa kami.
Ngayon nga ay inaantay ko syang dumating dito sa loob ng bonchon dahil may usapan kaming magkikita kami, dahil ngayon namin balak mamili ng mga regalo namin para sa pamilya at mga kaibigan namin.
Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang christmas break at aalis sya papuntang US para makasama ang mommy nya samantalang ako ay maiiwan dito sa Pilipinas, kaya naman wala na kaming oras para mamili ng mga panregalo ng magkasama.
"Asan kana ba?" tanong ko sa aking sarili dahil mahigit kalahating oras na syang late at niisang text o tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya. Nagsisimula na akong mag alala sa kanya.
To Baby :
Asan kana?To Baby :
Nasa loob na ako ng Bonchon pasok kana lang kapag dumating kana, ingat ka.To Baby :
Baby asan kana ba? Bat hindi ka nagrereply?To Baby :
Nag aalala na ako sayo nasan kana? Mag reply ka kapag nabasa mo to.Nakailang text at tawag na ako sa kanya pero ni isa wala man lang syang reply , pati mga tawag ko hindi nya din sinasagot. Ano bang problema ng lalaking yun , malapit na akong mainis sakanya. Wag nyang sabihin na hindi na naman nya ako sisiputin , ilang beses nya na akong iniindyan. Lagi nya na lang akong pinaghihintay sa walaa.
Lumipas pa ang dalawang oras at wala parin sya , parang tanga na akong nakaupo mag isa dito sa loob ng Bonchon pinagtitinginan na din ako ng mga staff kanina pa. Sino ba naman kasing matinong tao ang tatambay sa isang kainan ng mahigit dalawa't kalahating oras ng wala man lang binibili o kinakain.
Five minutes na lang Chelsy , five minutes na lang. Bigyan natin sya ng palugit ng limang minuto pa. Kapag hindi kapa dumating dito James sinasabi ko sayo, makakatikim kana sakin.
To Baby :
Hindi ka na ba talaga dadating?To Baby :
Kanina pa ako nag aantay sayo , halos tatlong oras na akong nag aantay sayo sa loob ng Bonchon mukha na akong tangang nakatambay at nakaupo dun na walang kinakain o binibili. At kanina pa din ako text ng text at tawag ng tawag sayo pero ni isang reply wala man lang. Gano ba kahirap ang mag type para sayo?Huling text ko kay James bago ko patayin ang cellphone ko at tsaka ako nagmamadaling lumabas ng Bonchon ng nakatungo , nag iwan na lang ako ng limang daang piso sa lamesa bilang kabayaran sa pagtambay ko sa loob kanina.
Nakatungo akong naglalakad dahil tumutulo na ang luha ko , sa pangatlong pagkakataon pinag mukha na naman nya akong tanga. Lagi nya na lang ginagawa sakin to napapagod na ako. Hindi kuna makita ang dinadaanan ko dahil nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha.
May isang mariing braso ang humila sakin kaya naman napahinto ako sa paglalakad , gusto kong tignan kung sya na ba tong lalaking humila sakin, pero ayokong makita nyang umiiyak ako.
"Hoy weird kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin , bingi ka ba?" tanong sakin ni Aaron.
Hindi pa din pala sya tong nasa harap ko , nagtuloy tuloy na ang pag bagsak ng luha ko at hindi kuna ito mapigilan.
Hanggang kailan nya ba ako papaiyakin hindi naman ako ganto dati ah."H-hoy Chels u-umiiyak ka ba? S-sinong nang away sayo? Bakit ka umiiyak? Sino bang kasama mo?" tarantang sunod sunod na tanong nito sakin.
"Chels look at me!" mariing sambit nito sakin habang tinataas ang mukha ko paharap dito.
BINABASA MO ANG
Love Over Why's
Teen FictionPano kung isang araw magising kana lang na nahulog na pala ang loob mo sa bestfriend mo, ano ang gagawin mo? Magpapaka martyr kaba tulad ng ginawa ni Chelsy o mas pipiliin mong aminin ang nararamdaman mo at umiwas na lang sa kanya pag katapos. Sabi...