Chapter Six

1 3 0
                                    

Sabay sabay kaming lumabas ng cafe, matapos magpaalam sa isa't isa nagkanya kanyang sakay na din sila sa kani-kanilang sasakyan. Gusto pa sana akong isabay ni Bea pauwi kaya tumawag kanina si Mommy, pinapapunta si James sa bahay at may ipapadala ata kay Tita Joan. Kaya naman kay James ako sasakay pauwi.

Nang makaalis na ang mga sasakyan ng mga kaibigan namin, nagsimula na din kaming maglakad ni James pabalik sa parking ng school para balikan ang sasakyan nya at si Kuya Nilo yung personal driver nya.

"Masaya ako na bati na tayong lahat" nakangiti kong sabi kay James habang naglalakad kami.

"Ako din , cool naman pala si Aaron. Mukhang magkakasundo kami" nakangiti din nitong tugon habang nauunang maglakad sakin, ang bilis talaga nitong maglakad di man lang ako inaantay. Kakainis, alam nya namang sobrang hahaba ng biyas nya.

"Hoy antayin mo nga ako , ang bilis mong maglakad" nakasimangot kong sambit dahil ilang hakbang din ang layo nya saakin. Lumingon ito sa gawi ko sabay ngiti nang nakakaasar.

"Alam kuna ang sasabihin mo , hindi ako maliit sadyang pang kapre lang talaga mga hakbang mo." inis na pigil ko dito, dahil alam kuna ang gagawin nito lalaitin na naman nya ang height ko. Sasabihan na naman akong pandak kahit hindi naman , ako nga ang pinakamatangkad samin nina Gwenyth.

Ngumisi si James habang malakas na tumatawa, nakakaasar talaga mukha nito " Wala naman akong sinasabi na pandakoko ka. Ang sasabihin ko lang naman sana ay lakihan mo ang hakbang mo di yung para ka laging nagmomodel" inirapan ko sya kayaa naman lalo syanh natawa.

"Hahahaha, wag ka kasing masyadong guilty sa height mo, tsaka bagay lang naman yung height mo sa height ko." nakakalokong sambit nito.

"Ano namang maganda sa height mo at height ko? Tsaka mas matangkad ako kina Bea kaya dapat sila ang tinatawag mong pandakoko hindi ako" naiinis na sambit ko dito.

"Pagong ka ba nung past life mo ha Chelsy? Ang bagal mo kase lagi , alam mo sasabihin ko kay Tita mamaya na magpakabit ng wifi sa katawan mo para di ka laging buffering hahahaha" natatawang pang aasar nito sakin.

"ANONG SABI MO? WALANGYA KA TALAGA JAMES BUMALIK KA DITOO" sigaw ko dito habang hinahabol ito.

Ang walangya parang enjoy na enjoy sa ginagawa nya. Matapos ang ilang minuto kakahabol kay James ay napagod na ako kaya naman huminto na ako sa pagtakbo at humawak sa poste malapit sa tayo ko.

Nang maramdaman ni James na hindi kuna sya hinahabol lumingon ito sa gawi ko tsaka sumigaw "Chelsy okay ka lang? Tara na nag-aantay na si Kuya Nilo, baka gutom na yun tara na" malakas na sambit nito sakin.

Napangiti ako dahil sa narinig ko mula sa kanya mahal na mahal nya talaga si Kuya Nilo at Ate Marites, sila kase ang tumayong magulang kay James nung mga panahong iniwan sya ng mommy nya at nilulunod naman ni Tito ang sarili nya kakatrabaho.

"Halikaa tulungan mo ako natagtag yung sintas ko." pinalungkot ko ang boses ko habang sinasabi ko yun sa kanya. Alam ko naman kasing di nya ako matitiis hahaha.

Dahan dahan syang lumapit papunta sa pwesto ko , ha humanda ka saking lalaki ka hahahah.

Habang palapit ng palapit si James sa pwesto ko pinag-iisipan kuna kung anong magandang gawin sa kanya. Alam kuna guguluhin ko na lang yung buhok nya ayaw na ayaw pa naman nyang nagugulo yun hahahhaa.

"Alam mo antanda muna di ka parin marunong mag-sintas ng sapatos mo. Diba ilang beses na kitang tinuruan. Pano na lang kung wala na ako tas natanggal sintas mo sino nang magsisintas ng sapatos mo." mahabang litanya nya sakin habang nakangisi. Sigee lang asarin mo pa ako tignan natin kung makakangisi kapa mamaya hahahha.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon