Natapos ang ilang oras na hindi kami nag-papansinan ni James dahil naiinis parin ako sa ginawa nya kanina. Pati nung sa lunch kanina hindi kami nag-uusap. At ang walangyang si Aly inaya pang sumabay saming kumain si Aaron nang makita nya itong naglalakad papunta sa bakanteng lamesa sa may unahan.
"Tignan mo si Aly" siko sakin ni Gwenyth.
Sumosobra na talaga tong babae na to. Kanina pa siko ng siko ay ang sakit naman.
Nilingon ko si Gwenyth at inirapan.
"Yun ang tignan mo di ako" sambit gamit ang walang emosyong boses.
"Gwenyth sino ba yung tinuturo mo?" tanong naman ni Bea , anlakas talaga ng pandinig ng babaeng to basta chismiss.
Walang ganang itinuro samin ni Gwenyth ang sinasabi nya at dahil mga chismoso lahat ng kaibigan ko sabay sabay kaming lumingon kung san nakaturo ang daliri ni Gwenyth.
"Anong ginagawa ni Aly dun?" tanong ni Symon.
"Oo nga , baliw talaga tong si Aly" sabat naman ni Bryan.
"Tawagin nyuna nga si Aly" inis na sabi naman ni James, mukhang badtrip pa rin dahil sa nangyari kanina.
"Aly bruhaa halikana dito" matinis na sigaw ni Bea.
Napalingon naman si Aly sa lamesa namin at ang gaga nakuha pang ngumiti at kumaway samin.
"Adik talaga tong si Aly" bulong ni Gwenyth.
Mula sa lamesa namin kitang kita naming hinihila ni Aly ang braso ni Aaron patayo mula sa upuan nito. May sinabi pa si Aly dito bago nya napilit na tumayo si Aaron at sumama sa kanya pabalik sa lamesa namin.
Nang pagdating nila sa tapat ng lamesa namin ay masamang tingin na agad ang ibinigay ni James sa mga ito.
"Guyss , makikishare satin si Aaron ng upuan" nakangiting sambit ni Aly habang hinihila si Aaron paupo sa tabi ko at pinapaisod si Symon para magkasya si Aaron.
"May upuan na naman sya Aly bat kailangan isama mo pa dito." inis na tanong ni James.
"Oo nga naman Aly, no offense pre ha . Pero diba kaaaway lang nila kanina tas isasama mo na dito baka mag-away na naman sila nakakahiya andaming tao dito tsaka tsak na sa Desciplinary office ang bagsak natin." saad naman ni Symon halatang kinakabahan sa pwedeng mangyari.
"Duh, mag-isa kaya sya dun tsaka wala pa syang kaibigan kase bago pa sya. Tsaka andaming estudyante ngayon kase lunch time sayang naman kung mag isa lang sya sa upuan" mahabang paliwanag si Aly pero alam namin na iniinis lang nyan si James.
"Hmm, pasensya na hinihila kase ako ni Aly, pero promise wala naman akong balak na guluhin ka---" nahihiyang sambit samin ni Aaron bago sya putulin ni James.
"Yun naman pala , edi sana di ka nagpapilit, pede ka namang tumanggi bat sumama kapaa." galit na sambit ni James habang tinitignan ng masama si Aaron.
"Pasensya na pre aalis na lang ako" sambit ni Aaron habang tumatayo paalis sa upuan nya.
Siniko ulit ako ni Gwenyth sabay sabing "Pigilan mo si Aaron wala na syang ibang mauupuan puno na ang canteen. Tsaka patigilin muna si James nakakahiya sa ibang tao." matamlay na sabi ni Gwenyth wala talagang emosyon tong babaeng to.
"Aaron umupo kana , okay lang na sumabay ka samin" pigil ko kay Aaron ng akmang aalis na ito.
"Pero Chelsy" alma ni James sa sinabi ko.
Tinitigan ko lang si James ng masama sabay sabing "Pwede ba James tumigil kana. Tama naman si Aly walang kasama si Aaron kaya okay lang na sumama sya satin. Tsaka kaklase natin sya. Ano ba grow up" mahabang litanya ko.
BINABASA MO ANG
Love Over Why's
Teen FictionPano kung isang araw magising kana lang na nahulog na pala ang loob mo sa bestfriend mo, ano ang gagawin mo? Magpapaka martyr kaba tulad ng ginawa ni Chelsy o mas pipiliin mong aminin ang nararamdaman mo at umiwas na lang sa kanya pag katapos. Sabi...