Chapter Fourteen

0 0 0
                                    

"Baby mamaya na lang tayo umakyat sa taas yaan munang mauna sila" lambing sakin ni James habang inaalalayan akong bumaba ng sasakyan.

"Ha? Ano namang gagawin natin bat hindi pa tayo sumabay sa kanila?" takang tanong ko dito.

"Uhm, punta muna tayo dun oh" sabit niyo sabay turo sa cafe sa tapat ng hotel namin.

"Sige tara" nakangiting tugon ko dito.

Nang makarating kami sa loob ng cafe dun kami umupo sa may gilid para kita namin lahat ng pumapasok at lumalabas ng cafe.

"Baby anong gusto mo?" tanong nito sakin.

"Oyy baby natulala ka na naman sa kagwapuhan ko" pang aasar nito sakin.

Shet kanina nya pa ako tinatawag na baby pero ganun parin yung epekto nito sakin , kinikilig parin ako hindi ako sanay.

"Hmm, tara milk tea na lang tsaka ube tart" nahihiyang sambit ko dito.

"HAHAHAHAHHA" tawa nito sakin , gulat akong napatingin dito lalo na dahil sa biglaang pag tawa nito sa sinabi ko.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko dito.

"Kase naman sabi kuna nga ba puro ube flavor n naman oorderin mo hahahaha" tumatawang turan nito.

Inirapan ko lang ito kaya naman lalo lang itong tumawa.

"Hahahah wala kana bang gusto?" balik tanong nito sakin , kaya naman tumango na lang ako bilang tugon dito.

"Sigurado ka?"

"Oo"

Hindi pa nakakalayo si James ng tawagin ko itong muli kaya naman lumingon ito ng may kakaibang ngisi sa kanyang labi.

"Bakit ha baby nag bago na ba ang iyong isip may gusto ka pa bang ipabili?" nakakalokong tanong nito saakin.

Malaki ang ngiting ibinigay ko dito sabay sambit ng "Yess , if they have avocado tart here or any food that is avocado flavor please buy me some okay , thank you" gamit ang malambing kong boses.

Matapos kumain at mag palipas ng ilang oras sa cafe ay napag desisyonan na naming bumalik sa hotel para makapag linis ng katawan at makapag pahinga na , dahil bukas ay tiyak na mas madami pa kaming bagay na gagawin. Isa na dun ay ang pag sakay namin sa kabayo bukas at ang pag punta sa picnic groove.

Nasa labas pa lang kami ng hotel room namin ay rinig na rinig na namin ang mga hiyawan na nang gagaling sa loob ng kwarto , labis ang pag aalala ang bumalot sa mukha namin ni James.

"A-ano... kayang nangyayari sa loob James" kinakabahang sambit ko dito.

"Hindi ko alam baby tara na" tugon nito saakin habang dali daling binubuksan ang pintuan.

"I hate her , I really do ugggh" galit na galit na sigaw ni Aly.

"Well the feeling is mutual bitch" balik sigaw din ni Amira dito.

"Bat kase sumama ka pa ha? Hindi ka naman belong dito sa barkada namin alam mo nakakasuya ka. Pasensya na Aaron ha pero kanina pa ako nagpipigil dyan sa girlfriend mo" inis na sambit ni Aly.

"Well hindi lang naman ikaw ang naiinis sating dalawa eh pati ako" sigaw ulit ni Amira.

"T-tama na nga yan , ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" tanong ko sa mga ito.

"Binuhusan nya ako ng juice Chelsy katatapos ko lang maligo" tumatakbong sumbong sakin ni Aly

"I already told you di ko naman sinasadya e" dahilan ni Amira.

"Di sinasadya sige nga pano mo natapunan si Aly?" mataray na turan ni Bea sabay irap dito.

"N-natakid ako sa.. sa ano" utal na sambit ni Amira.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon