Ilang araw na din pabalik balik si James sa bahay namin para suyuin ako at makausap, pero ni minsan ay hindi ko sya nilabas. Masyado pang masakit ang mga bagay na ginawa nya sakin at hindi ako tanga para mag panggap sa harap nya na okay lang ang lahat.
Gusto kong maging ayos na ulit kaming dalawa dahil pansin ko na hindi lang kami ang nahihirapan sa mga nangyayari sa relasyon namin pati na rin ang buong barkada.
Kinabukasan nga nang malaman nina Aly ang nangyari samin ni James ay hindi sinasadyang marinig ni Angelo ang nangyari kaya naman pagkapasok na pagkapasok pa lang ni James sa room namin ay sinalubong na agad nya ang kamao ni Angelo.
Ilang araw na din silang hindi nagkikibuan. Nahihiya na ako sa kanila kase nadadamay sila sa gulo namin ni James, tulad ngayon last day na ng pasok ngayon at bukas na ang unang araw ng christmas break , bukas na din ang flight ni James papunta sa US para dun magpasko sa January na ulit ang balik nya kapag simula na ng klase.
"Chelsy pwede ba kitang makausap mamaya pag labas natin?" sumamong sambit sakin ni james.
"Sige na Chels mag usap na kayong dalawa. Mag ayos na kayo kami na ang nahihirapan sa mga pinag gagawa nyong dalawa e" iritang saad ni Aly habang nakatingin sa aming dalawa ni James.
"Alyssa stop it!" saway ni Bryan dito.
"Ano? Tama lang naman na malaman nilang dalawa na hindi lang sila ang naaapektuhan ng problema nila. Tsaka its best if pag usapan nyo kung anong problema nyo para maayos nyong dalawa" inis na sabi nito samin bago sya nag martsa paalis ng cafeteria.
"Sige, sabihin muna lang sakin kung saan" malamig na turan ko dito.
Mabilis natapos ang mga natitirang klase namin ngayon. Kung kelan naman hindi ko gustong matapos ang klase namin at kung kelan gustong gusto kong pabagalin ang takbo ng oras tsaka naman ito nag mamadali.
"C-chelsy lets go?" alangang tanong nito sakin.
"You go ahead ! I have my own car lets just meet there, but please make sure that you go first ayokong mag mukha na namang tanga kakaantay sayo." malamig kong turan dito at hindi ko maiwasang tumakas ang pait sa bawat salitang sinabi ko sa kanya.
Mabilis ko syang tinalikuran at naglakad papunta sa parking kung saan naghihintay ang driver ko. Mabilis ko ding pinunas paalis sa mukha ko ang bawat luha na puno nang sakit at hapdi na namumutawi sa akin ngayon.
Pinauna kong umalis ang sasakyan ni James tsaka ko sya pinasundan para makasigurado ako na mauuna syang dumating kesa sakin dahil katulad ng sinabi ko sa kanya kanina hindi ko kaya na magmukha na namang tanga ng dahil sa kanya.
"Sa Bonchon mo ba gusto k-kumain tara" aya nito sakin habang hinahawakan ang braso ko.
Mabilis kong pinalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko "Hindi naman natin kailangang kumain e , just tell me kung anong gusto mong sabihin madami pa akong gagawin."
"Please I'm sorry hindi ko naman sinasadya and I s-swear hindi kita n-niloloko. Mahal kita.... baby mahal na mahal kita" madamdaming sambit nito sakin habang may mumunting luha ang umaalpas sa kanyang mga mata.
Bakit ganon , bakit kahit gano nya ako sinaktan at pinag mukhang tanga isang sorry nga lang tumitiklop na ako. Bakit hindi ko kayang makita syang umiiyak samantalang ako , hindi lang isang beses nyang pinaiyak.
"B-baby please.... patawarin muna ako. Hindi kuna kayang ganito tayo" sumamo nito habang lumuluhod sa harap ko.
Nataranta ako nang makita kong nakaluhod sya sa harap ko.
"J-james please tumayo ka na dyan... Please baby... oo na bati na tayo" malambing na turan ko dito.
Mabilis naman syang tumayo at niyakap ako. Masaya ako na okay na ulit kami katulad nya hindi kuna din kaya na magkaaway kaming dalawa nakakapagod ang sakit.
BINABASA MO ANG
Love Over Why's
Novela JuvenilPano kung isang araw magising kana lang na nahulog na pala ang loob mo sa bestfriend mo, ano ang gagawin mo? Magpapaka martyr kaba tulad ng ginawa ni Chelsy o mas pipiliin mong aminin ang nararamdaman mo at umiwas na lang sa kanya pag katapos. Sabi...