Chapter Twenty

2 0 0
                                    

"Chelsyyy anak dalian mo bumaba kana dyan mag grogrocery pa tayo. Baka matagalan tayo sa grocery dahil siguradong maraming mag lalast minute shopping." sigaw ni Mommy mula sa baba

Binilisan kuna ang pagsusuot ng sapatos dahil ako na lang ang iniintay nina Mommy para makaalis na kami. Bat ba kase di ko makita yung kapareha nung footsocks ko magkaibang kulay tuloy tong suot ko.

"CHELSSYYY DIANNEEEE!" muling sigaw ni Mommy.

"PABABA NA PO!!" sigaw ko din dito.

Matapos makapagsuot ng sapatos patakbo akong bumaba ng hagdan.

"Ikaw talagang bata ka napakabagal mong kumilos kahit kailan. Kanina pa nag aantay ang Tita Joan mo dun sa mall tas ambagal bagal mo, tara na nasa labas na si Manang" sermon nito sakin.

Yung van yung ginamit namin dahil nagpahatid lang daw si Tita Joan sa mall at sasabay na lang ito samin pauwi dahil tutal naman daw dun din sya pupunta dahil mamaya ay Christmas Eve na at yearly samin sinasalubong nina Tita ang pasko dahil twing pasko sila lang ni Tito ang magkasama dahil nasa US si James para magcelebrate kasama ang Mommy nya.

Matapos ang kalahating oras dumating na din kami nina Mommy sa mall at pinuntahan na namin si Tita Joan sa meeting place nila. Nagkape muna sina Mommy bago kami magproceed sa pamimili ng mga ingredients nang mga lulutuin nila mamaya.

"Chelsy ano ang gusto mo?" tanong sakin ni Tita Joan bago ibinigay ang menu sakin.

"Uhm taro na lang po tita" sagot ko dito bago ko kinuha ang phone ko dahil tumunog ito.

From Baby♡ :
Pauwi na ba kayo?

Napangiti ako nang mabasa ko na kay James galing ang text actually kanina ko pa inaantay ang text or tawag nya pero sabi kase ni Mommy busy daw ang mga ito kase kasama sya nina Daddy.

To Baby♡ :
Hindi pa , nagkakape pa sina Mommy pagkatapos pa nito tsaka palang kami mag grogrocery.

From Baby♡ :
I'm sure bored kana dyan , kase ako bored na bored na ako dito kasama sina Daddy.

Natawa ako sa reply nito kaya naman napatingin sakin sina Mommy ngumiti lang ako sa mga ito bago tumungo ulit. Shocks nakakahiya nakita nilang tumatawa ako habang hawak ang phone ko baka isipin nila kinikilig ako nubayan.

"Who's that anak? Mukhang tuwang tuwa ka sa nabasa mo sa phone mo ha , do you mind telling us who is it?" marahang tanong sakin ni Mommy habang itinataas baba ang kilay nya, gosh

"Oo nga naman Chelsy hija your Mom and I want to know who is it" dagdag asar ni Tita sa sinabi ni mommy kaya naman pati si Manang ay tumawa na din.

"It's.... actually si Aly po yun nagsend lang ng memes" akward na palusot ko sa mga ito pero mukhang di bumenta nubayaannnn.

"Ano yung mens chelsy?" takang tanong ni Manang napatawa naman ako dito dahil pati sina Mommy mukhang naguguluhan kung ano yung memes hahaha

"Memes po Manang hindi mens hahaha, tsaka mga pictures po yun na nakakatawa"

Matapos kumain kasama sina Mommy dumaretso na agad kami sa grocery. Grabe ito na ata ang pinaka matagal kong magstay sa grocery kasama si Mommy. It almost took us four hours sa pag grogrocery andami kase nilang gustong lutuin dahil this will be the first time na kasama naming magcelebrate ng christmas si James, cause most of the time he will spend his christmas with his mom abroad. At twing new year lang namin sya nakakasama.

Kaya hindi na kataka taka na excited sila lalo na si Tita cause this will be their first christmas together. Bale five years nang kasal si Tita Joan sa Daddy ni James at simula nang tumira na sila sa iisang bahay naging mailap si James sa kanya at ngayon lang nya sinusubukang buksan ang puso nya para kay Tita Joan.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon