Chapter Twenty Three

0 0 0
                                    

Matapos naming salubungin ang noche buena at magpalitan ng mga regalo sa isat isa ay nagpaalam na din sina Tita Joan samin dahil kailangan pa nilang ayusin ang mga bagaheng dadalhin ni James papuntang US.

Hindi nasunod ang schedule ng pagalis ni James kase pinilit sya ng mommy nya na pumunta agad dun sa US. Hindi tuloy namin magagawa yung mga bagay na dat gagawin pa namin bago sya umalis sa 28.

"Oyyy, galit ka parin ba?" tanong sakin ni James habang nakaupo kami sa sofa.

"Babyyy, notice me po"

"Wag kanang magalit uuwi din naman ako , tsaka diba magcecelebrate naman tayo nang barkada pag uwi ko."

"Babyyy , pleasee wag kanang magalit" pangungulit nito sakin, pilit nyang inihaharap ang mukha ko sakanya.

"Oh kayong dalawa tara na , baka malate pa si James sa flight nya." sigaw samin ni Daddy pagkababa nila ng hagdan.

"Dun na lang natin hintayin ang mga bata sa garahe Hon, baka gusto pa nila ng mas mahabang oras para magpaalaman. Alam mo namang medyo mas matagal silang magkakawalay kesa sa plano." sabi naman ni Mommy habang hinihila si Daddy palabas ng bahay.

"Oy Babby , lab lab na pleaseee. Mamimiss kita" malambing na turan nito habang nagpapacute sakin.

"Tara na , inaantay na tayo nina Daddy. Baka mahuli kapa sa flight mo magalit pa ang Mommy mo sayo." malamig na sambit ko dito tsaka ako naunang lumabas ng bahay.

Daredaretso akong pumasok ng sasakyan at hindi na inantay na makalabas si James.

"Oh anak wheres James?" tanong ni Mommy pagkapasok ko sa sasakyan.

"Nasa loob pa po nagpapaalam pa ata kay Manang" walang buhay na sabi ko.

"Chelsy, I know na nagtatampo ka kay James pero anak hindi naman nya gustong umalis ng mas maaga sa plano nyo, pero kailangan nya kase sinabi ng mommy nya." paliwanag sakin ni Daddy.

"Anak tama ang daddy mo, you should talk to James na ilang linggo din syang mawawala tsaka gusto mo bang umalis sya nang hindi kayo nag uusap?" dagdag naman ni Mommy.

Nakonsensya naman ako sa sinabi nina Mommy dahil alam kong tama sila. Hindi lang ako ang nasasaktan at nahihirapan maging si James din at tama sina Mommy na hindi ginusto ni James na umalis sya ng maaga.

Ilang minuto lang ay pumasok na din si James sa loob ng sasakyan. Isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko tsaka nilaro laro ang mga daliri ko.

"Babyy galit ka parin ba? Hindi ko naman gustong iwan ka ngayon, si Mommy lang kase talaga nagdradrama at nagtatampo na daw sya. Babalik naman ako pangako!" malambing na ssambit nito habang patuloy na nilalaro ang mga daliri ko.

Isinandal ko din ang ulo ko sa ulo nya pero hindi parin ako nagsasalita. Alam ko kasing sa oras na magsalita ako ay tutulo na ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.

"Umiiyak ka ba?" tanong nito sakin habang pilit inihaharap ang mukha ko sa kanya.

"Hi-hindi , napuwing lang ako" pagtanggi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Umiiyak ka eh , halika nga dito."

"Babalik naman ako eh pangako hindi ako magtatagal dun at uuwi din ako agad. Tsaka may scape naman araw araw kitang tatawagan para di mo maramdamang hindi tayo magkasama" malambing na suyo nito sakin habang mas hinigpitan ang yakap sakin.

"Pangako? Babalik ka agad? Wag kanang mag eextend dun ha. Balikan mo agad ako!" umiiyak na sambit ko

"Oo promise ba--"

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon