Chapter Nineteen

0 0 0
                                    

Medyo hapon na nang magising ako marahil dahil sa sobrang pagod ko sa pag eemote kagabi tsaka medyo mabigat din kase ang mata ko ngayon, kaya naman tinatamad akong bumaba.
Buti na lang wala kaming lakad ng barkada ngayon kundi pupusta ako ako ang magiging tampulan ng tukso, dahil daig ko pa ang panda ngayon dahil sa taba at lala ng eyebags ko.

Trenta minutos pa ang hinintay ko bago ako tuluyang bumangon sa kama at dahil tamad na tamad ako ngayon at wala sa mood hindi na ako naligo or naghilamos nagtoothbrush lang ako tsaka bumaba na. Walang kasigla sigla akong naglakad pababa ng hagdan at patungo sa kusina.

Di naman big deal sakin na bumaba na parang nakipaglaban ako sa isang imperyo ng mga kawal sanay na din naman ang mga tao dito sa bahay na lagi akong mukhang galing gyerang bababa kapag sabado at linggo lalo na kapag walang lakwatsa.

Walang tao sa sala nung nakababa na ako kaya naman dumaretso na ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Habang binubuksan ko ang microwave para ipainit ang bake spaghetti ay bigla akong tinawag ni Manang.

"Oh anak gising kana pala , sa garden kana kumain ha" nakangiting sabi nito sakin.

"Ha? Bakit naman po Manang?" takang tanong ko dito.

Ngumiti ng malapad si Manang bago ako sinagot ng "Ipalilinis ko kase ang dining at sala mamaya kaya pagkatapos mong iinit yang pagkain mo dyan sa microwave ay dumaretso kana sa garden"

"Okay po, pero Manang nasan po sina Mommy?"

"Sumama ang Mommy mo sa Daddy mo sa opisina may kailangan daw silang kausapin" paliwanag ni manang.

Matapos tumunog ng microwave hudyat na tapos na yung pinapainit kong pagkain. Kumuha ako ng tray at inilagay dun ang bake spag at gatas tsaka tubig bago ako tumungo sa garden para kumain.

Nabitawan ko ang mga dala ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki sa garden. Nakatalikod ito sakin pero kilalang kilala ko ang taong to kahit nakatalikod sya. Pero nagtataka ako kung bakit nandito sya.

"J-james" mahinang sambit ko pero mukhang narinig nya naman kaya lumingon agad ito sakin habang may malaking ngiti sa labi.

"Bakit.... di ba flight mo kagabi? N-naiwan ka ba ng eroplano? Pero... imposible e sabi ni Mon nandun na daw kayo" naguguluhang sabi ko dito nagulat ako ng bigla na lang nitong talunin ang distansya naming dalawa ako tsaka ako niyakap ng mahigpit. Pagkayakap na pagkayakap nya sakin nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Shhhh, nandito na ako baby wag kanang umiyak tsaka ang cute mo pala kapag bagong gising ka hahahaa" malambing na saad nito sakin habang hinihimas himas ang ulo ko pero imbes na tumahan sa pag iyak lalo lang akong napahagulhol ng iyak.

"Oh my gosshhh!" gulat na sabi ko dito bago ko ito tinulak paalis sa pagkakayakap sakin tsaka ko tarantang inayos ang itsura ko. Gosshhh sobrang nakakahiya ng itsura ko, mukha akong galing gyera tas baka may mga muta at panis na laway.

"Hahahahah , picture nga tayo" tumatawang turan nito sakin kaya naman itinulak ko ito tskaa ako umiyak
"A-akala ko wala kana.. di ba kagabi yung flight mo bat nandito kapa?" umiiyak na tanong ko dito tsaka nya ako niyakap ng mas mahigpit para bang takot na takot syang saktan ako.

"Shhh, surprise to hahahha! Hindi na ako pupunta ngayon sa US dahil dito ako magpapasko kasama kayo nina daddy. Kaya tumahan kana babyy I love you" maharang paliwanag nito sakin bago iniharap ang mukha ko sa kanya at hinalikan ang noo ko.

"P-pero pano yung... Mommy mo sinong kasama nyang magpasko? Kawawa naman sya alam k-kong miss kana din ng m-mommy mo" mahinang sambit ko habang pinupunasan nya ang mga luha sa mukha ko.

"Okay lang yun, Mom and I already talked about it and we decided na dito ako magpapasko tsaka dun ako mag nunew year sa kanya. Nagpalit lang naman ng sched" nakangiting turan nito sakin kaya naman napangiti din ako dahil sa narinig ko sa kanya.

Love Over Why'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon